monetize traffic
30 Dec, 2007 in personal by DarkBlak

Wish List for 2008

malapit na naman ang bagong taon. malapit ng mag paalam ang 2007 at malapit na ring sumungaw ang 2008. ngayon nalalapit na ang bagong taon maraming tao ang nagkakandarapa para bumili ng mga paputok, yung iba mga mamahalin pang paputok ang binibili, yung iba naman kuntento na sa ilang lata at banyera basta makagawa lang ng ingay ayos na.

habang ang karamihan sa atin ay abala sa pagpapaputok kapag papalapit na ang 12:00mn ang iba naman ay parang may sariling mundo. may mga nanood lang ng mga dvd collection nila, either anime collection o pinay scandal collection. yung iba naman abala lang sa pagluluto ng mga ihahanda sa media noche. masarap atang salubungin ang bagong taon ng busog ka para isang buong taon kang hindi magutom, hehehe. pero meron din namang mga taong walang magawa sa mga ganung oras at panahon. yung mga tipong hindi mapakali sa upuan, palakad lakad, patingin tingin sa orasan na para bang naiinip na sa pagdating ng bagong taon, pasilip silip sa labasan ng bahay para makiusyoso sa mga nagpapaputok.

bago naman sumapit ang bagong taon marami sa atin ang gumagawa ng New Year’s Resolution. Sa dinami dami ng mga gumagawa nito mangilang-ngilan lang sa kanila ang nakakatupad sa ginawa nilang listahan. pero ako tulad ng dati hindi na lang ulit gagawa ng New Year’s Resolution kasi naman hindi ko rin natutupad. Sa halip gagawa na lang akong Wish List ko para sa taong 2008. At ito ay ang mga sumusunod:

Salary increase!!!!!
PSP Slim (kulay black ang gusto ko kahit medyo maraming katulad)
Nintendo ds lite
DV Cam
Bagong fone
I-Phone
PC
At marami pang iba na maituturing na luho kagaya ng mga nauna

alam kong mahihirapan akong makuha isa man lang dun sa mga nakalista sa taas, pero sana lang kahit salary increase eh makuha ko, masaya na ako nun, kasi kapag nagkaganun mapapag iipunan ko rin yung mga luhong gusto ko.

Hanggang sa muli! kita kits tayo next year, mga ilang araw na lang yun mula ngayon. Ingat kayo sa paputok na nakakamamatay at nakakabuhay!

Related Post(s)

5 Responses so far | Have Your Say!

  1. mylene - Gravatar

    mylene  |  December 31st, 2007 at 8:40 pm #

    Happy New Year kuya!

  2. jackie - Gravatar

    jackie  |  January 1st, 2008 at 11:12 pm #

    gs2 ko jan ung psp slim. bibili ako sa katapusan. hehehe. ;) ung iba meron na aketch. hehehe. mwahz!

    happy new year!

  3. DarkBlak - Gravatar

    DarkBlak  |  January 2nd, 2008 at 12:20 am #

    ako malabong makabili nun :(

  4. fionixe - Gravatar

    fionixe  |  January 2nd, 2008 at 5:51 am #

    ^_^ ako meron nang bagong cp ~ nyahaha :D

  5. DarkBlak - Gravatar

    DarkBlak  |  January 3rd, 2008 at 11:08 pm #

    @fionxe – daya! :D

Leave a Feedback

XHTML: You can use these tags: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>