trip to Alabang
Last Updated on Wednesday, 22 April 2009 12:23 Written by DarkBlak Monday, 28 May 2007 06:11
ngayong nagtatrabaho na ako bihira na akong makapunta ng Alabang. Bihira ko na masusundo o mahahatid si Fionixe. Kakamiss din yun. Kakamiss makita yung mga bukiring nadadaanan namin sa Daang Hari, yung mga nag gagandahang bahay sa mga naglalakihang subdibisyon, yung Police Station sa Daang Hari na mukhang bahay at kung ano ano pa. Kung sa Zapote naman kami dadaan nakakamiss dun yung trapik na wala na atang katapusan, yung pag-aantay ng pasahero ni mamang driver na kahit ata abutin ng isang taon sa pag-aantay ay di aalis hanggat di puno ang kanyang jeepney. syempre yung mga usok ng tambutso ng mga walang kwentang jeep eh hindi nakakamiss. Isa pang namimiss ko sa eh yung mga nadadaanan naming mga car dealers. ang daming car dealers duon, merong Ford, Honda, Mazda, Isuzu, Toyota, may nakalimutan pa ba ako? nakakatuwa kasing pagmasdan yung mga magagarang sasakyan nila, kaya maaliw ka rin sa byahe kahit papano. at least kahit sa tingin nakita ko yung mga magagandang sasakyan. kaya lang bakit kaya walang Rolls Royce dealer sa Alabang? Baka balang araw maging car capital ng Pinas ang Alabang kasi halos lahat ng car dealer nandun na eh, heheheh
Most Commented Posts


hmmmmmmmmm!!!!!
may karir?
saya naman! hehehe
may nakalimutan ka yata… inde mo nabangit ang sogo, eurotel, victoria pag dadaan ka sa laspinas na galing sa alabang, along sa zopote naman mahaba ng trapik pede magpalipas oras sa joeds tapos maglalakd sa mabangong palengke, sa bacoor naman may el sabater na tapat ng aliw at pag sumakit ang balakang sa kakaupo sa trapik merong kingtop na mag hahagod ng likod mo. . . heheehh ayos ba? musta brother?