monetize traffic
Blog ng Taong Walang Magawa

Tag: rant

2727 Update

by DarkBlak on May.19, 2007, under reklamo

sa kasamaang palad wala pa ring nangyayari sa reklamo ko sa smart. nung huling tawag ko (May 16, 2007) halos sigawan ko na yung kausap kong CSR ng Smart sa telepono. Puro na lang kasi gagawan ng report tapos wala namang ginagawang aksyon. nakakainis na. yung mga CSR ng Smart puro report lang ang kayang gawin. lagi na lang nakaasa sa report ng Support Group nila na mabagal kumilos. ngayon mag-aantay na naman ako ng 72hrs bago ko malaman kung may matatanggap pa ba aong text o wala galing sa 2727. Sa Sabado (May 19, 2007) tapos na yung palugit na 72hrs, sana naman ok na yung complain ko sa kanila. kung hindi pa rin ayos, baka masigawan ko na talaga yung mga CSR ng Smart. at kung magpapatuloy ito mukhang hindi lang hair transplant ang gagawin ko kundi pati New Jersey facelift dahil sa sobrang inis nadedeform na ang mukha ko.

Leave a Comment :, more...

2727 Job Alert (Resulta)

by DarkBlak on May.12, 2007, under reklamo

after kong sundin ang ipinag-uutos ng Smart Agent eh kampante na akong nakatulog nung kinagabihan. paggising ko ng umaga masaya akong bumangon dahil alam kong di mababawasan ng 2.50 ang load ko. pero pagdating ng mga bandang 11:00am nagutla na lang ako ng muli akong makarecieve ng txt msg galing sa 2727….

badtrip ako syempre…. kaya ang ginawa ko ng check uli ako kung ano-ano ang mga nakasubscribe kong services, and to my surprise nakita kong naka subscribe pa rin ako sa MPC CLUB kahit na nag issue na ako ng STO ALL na command sa 2727. ang ginawa ko nag padala na lang ako ng “MPC CLUB OFF” message sa 2727 para ma-unscribe na ako sa bwisit na MPC CLUB na yun. tapos nagulat na naman ako ng mabawasan na naman ang load ko ng 2.50 kaya minarapat kong muling tumawag sa customer service ng Smart at ireklamo ang pangit na serbisyo nila… ayun pagkatapos ng ilang palitan ng mga tanong at sagot pinayuhan ako ng Agent na mag-antay ng 72 hours para daw ma un-subscribe ako sa service na yun. sa ngayon patuloy akong nakaka recieve ng msg sa MPC CLUB wala akong magawa kundi mag-antay na lang ng 3 days…. mukhang makakalbo ako sa mga kalokohang ito, kaasar… pagnagkaganon kakailanganin ko ng New York hair transplants para lang bumalik sa normal ang buhok ko. hopefully by monday wala na akong ma receive. sana nga…

4 Comments :, more...

2727 Job Alert (Update)

by DarkBlak on May.11, 2007, under reklamo

kakaasar talaga malaki na yung load na nawawala sa akin dahil sa text ng 2727…. last wed (may 9, 2007) tumawag na ako sa smart, adivised sa akin yun ni fionixe… ayun after kong tumawag binigyan ako ng instruction, ipadala ko daw ang “CHECK” sa 2727. pag nag reply malalaman ko daw kung saan saan ako naka subscribe. edi ginawa ko agad nakareceive naman ako agad ng reply galing sa 2727 at nalaman ko na nakasubscribe ako MPC CLUB, hindi ko alam kung pano ako nakapag subscribe eh ni hindi ko nga alam kung ano yun eh…. anyway dun sa reply nakalagay kung pano ma off yung subscription dun sa MPC CLUB tapos sa dulo ng message pwede daw ako mag send ng “STOP ALL” sa 2727 para ma unscribe ako sa lahat ng services ng 2727… edi yun ang ginawa ko… tapos naka tangap ako ng reply na naka unscribe na nga daw ako at hindi na ulit makakareceive ng text galing 2727. bukas na yung resulta :)

4 Comments :, more...

2727 Job Alert

by DarkBlak on May.07, 2007, under reklamo

hay naku… after magkaproblema sa hosting may problema naman ako ngayon sa fone ko. alam kong wala akong trabaho ngayon pero wala naman akong maalala na nag pinag sign-upan ng Job Alert sa para i padala thru text. Araw-araw na lang nakakarecieve ako ng sms job alert galing sa 2727, wala namang nakalagay kung pano i turn off yung buwisit na alert na yun, asar talaga. Ok lang sanang makarecieve ng job alert lalo na sa mga tulad kong walang trabaho, kaya lang pano ka ba namang di maiinis bukod sa hindi na yung ang work na gusto mo eh babawasan ka pa ng Php2.50 kada text nila. Kaasar talaga….

4 Comments :, more...

Looking for something?

Use the form below to search the site:

Still not finding what you're looking for? Drop a comment on a post or contact us so we can take care of it!