Puerto Galera Trip
Last Updated on Sunday, 15 June 2008 06:50 Written by DarkBlak Monday, 21 January 2008 02:49
Jan. 17 – 8:30am pag kagaling namin ng office nag almusal muna kami sa Wendy’s habang inaantay si Ricca at Cath, umuwi kasi si Ricca para kumuha ng damit, naiwan kaming anim (Richard, Michael, Derick, Ram, Edster at ako) pagtapos naming mag almusal bumili muna kami ng konting baon sa grocery. bago mag 11:00am dumating na sila Ricca at Cath. 11:00am nakasakay na kami ng Bus papuntang Batangas City Pier. habang nasa bus natulog lang ang iba sa amin. mga bandang 1:00 dumating na kami sa Pier ng Batangas City. at dahil halos lahat sa amin eh first time na magpunta sa Puerto Galera medyo atat na kami kaya bumili na agad kami ng ticket papuntang Sabang dahil yun ang may pinaka maagang byahe papuntang Puerto Galera. Pagdatong namin sa pampang ng Sabang halos lahat ng tao nakatingin sa amin. Kaya pala sila nakatingin kasi nagtataka sila kung anong ginagawa namin dun… pugad pala yun ng mga foreigner na mahilig mag diving at mag aliw sa piling ng mga babae. kaya ayun napilitan kaming umarkila ng jeep para dalhin kami sa White Beach. halos 2:00pm na rin kami dumating ng White Beach. Pagkadating namin dun hanap agad kami ng bahay, tapos kumain ng lunch at tumingin ng konti sa mga souvenir shop kahit hindi pa kami uuwi. At dahil apat sa amin ay galing sa night shift (Wala pa kaming tulog), pagod pa kami sa bahay at sinabayan pa ng ulan nagpasya nalang kaming magpahinga na lang ng maaga.
Learn MoreBulakbol muna
Last Updated on Wednesday, 22 April 2009 12:12 Written by DarkBlak Wednesday, 16 January 2008 07:12
dahil lagi kaming walang magawa sa ofis naisipan naman naming magbulakbol… bukas pupunta kami sa Puerto Galera!!!
ďż˝ konti lang kaming pupunta yung iba kasi hindi makakasama kasi may mga importanteng bagay na dapat unahin. anyway kahit konti lang kami makakapag enjoy parin naman kami eh.
yun nga lang hindi ako marunong lumangoy (kahit na lumaki ako sa tabing dagat), hindi ko rin ma eenjoy masyado yung ibang magagandang activities dun.
pero ok lang kahit hindi ako marunong lumangoy, maraming paraan para makapag enjoy. gusto mo sumama?
Learn More

Recent Comments