Tag: personal
Ako si Superman!
by DarkBlak on May.09, 2008, under ay tanga!
One fine day… isang araw na halos walang pinagkaiba sa mga nakaraang araw… akala ko lang pala yun… kanina habang papatawid ako sa kanto namin may isang minibus na nakaparad sa harap ko, then pag tingin ko sa kabilang side ng kalye may nakita akong Saulog na bus kaya nagmadali akong tumawid para makasakay na sana akala ko kasi Olongapo. Byaheng Olongapo kasi ang sinasakyan ko kapag papasok ako ng opis, sa Boni pa kasi ako napasok.
Ayun nga sa pagmamadali kung tumawid hindi na ko lumingon sa kaliwa ko kasi nakatigil naman yung minibus eh. Saktong paglampas ko sa minibus nakatingin ako sa kanan ko (sinisipat ko kasi kung Olongapo nga yung byahe ng Saulog) bigla ko na lang naramdaman na parang lumipad ako sa ere at pagkatapos bigla akong bumagsak sa kalye. Pagkabagsak ko parang walang nangyari, bigla akong tumayo at pumunta sa gilid ng kalsada, inaantay ko na lang lumapit sa akin yung Saulog para makasakay na ako, pag lapit ng Saulog byaheng Lawton pala, badtrip nagmadali pa naman ako tapos hindi rin pala ako makakasakay.
Saka ko na lang napuna na nabangga pala ako ng motor, lumapi na kasi sa akin yung driver nung motor at tinanong nya kung ayos lang ba ako. Pinakiramdaman ko muna ang sarili ko saka ko sinabi na ok lang ako. Gasgas sa tuhod at siko lang ang inabot saka bugbog na palad, yun kasi ang pinangsangkalan ko nung bumagsak ako. Pagkatapos naming mag-usap ng driver may dumaan ng Saulog na byaheng Olongapo at sumakay na ako para pumasok. Pagkasakay ko balik sa dati, parang walang nangyari kahit masakin ang tuhod, siko at palad ko. Papasok ulit ako at uuwi….
Breakup and Learn Survey
by DarkBlak on Apr.24, 2008, under tagtag/meme
2 Comments :dneero, personal more...Wish List for 2008
by DarkBlak on Dec.30, 2007, under personal
malapit na naman ang bagong taon. malapit ng mag paalam ang 2007 at malapit na ring sumungaw ang 2008. ngayon nalalapit na ang bagong taon maraming tao ang nagkakandarapa para bumili ng mga paputok, yung iba mga mamahalin pang paputok ang binibili, yung iba naman kuntento na sa ilang lata at banyera basta makagawa lang ng ingay ayos na.
habang ang karamihan sa atin ay abala sa pagpapaputok kapag papalapit na ang 12:00mn ang iba naman ay parang may sariling mundo. may mga nanood lang ng mga dvd collection nila, either anime collection o pinay scandal collection. yung iba naman abala lang sa pagluluto ng mga ihahanda sa media noche. masarap atang salubungin ang bagong taon ng busog ka para isang buong taon kang hindi magutom, hehehe. pero meron din namang mga taong walang magawa sa mga ganung oras at panahon. yung mga tipong hindi mapakali sa upuan, palakad lakad, patingin tingin sa orasan na para bang naiinip na sa pagdating ng bagong taon, pasilip silip sa labasan ng bahay para makiusyoso sa mga nagpapaputok.
bago naman sumapit ang bagong taon marami sa atin ang gumagawa ng New Year’s Resolution. Sa dinami dami ng mga gumagawa nito mangilang-ngilan lang sa kanila ang nakakatupad sa ginawa nilang listahan. pero ako tulad ng dati hindi na lang ulit gagawa ng New Year’s Resolution kasi naman hindi ko rin natutupad. Sa halip gagawa na lang akong Wish List ko para sa taong 2008. At ito ay ang mga sumusunod:
Salary increase!!!!!
PSP Slim (kulay black ang gusto ko kahit medyo maraming katulad)
Nintendo ds lite
DV Cam
Bagong fone
I-Phone
PC
At marami pang iba na maituturing na luho kagaya ng mga nauna
alam kong mahihirapan akong makuha isa man lang dun sa mga nakalista sa taas, pero sana lang kahit salary increase eh makuha ko, masaya na ako nun, kasi kapag nagkaganun mapapag iipunan ko rin yung mga luhong gusto ko.
Hanggang sa muli! kita kits tayo next year, mga ilang araw na lang yun mula ngayon. Ingat kayo sa paputok na nakakamamatay at nakakabuhay!
walang magawa
by DarkBlak on Dec.15, 2007, under kung ano ano
pasok… tambay… kwento… kain… kwento… tambay… tulog… trabaho… tulog… kwento… trabaho… tambay… kwento… trabaho… kain… trabaho… kwento… tambay… uwi… walang magawa
ahmm..
by DarkBlak on Jul.13, 2007, under personal
Fionixe was here ^_^
 Pasensya na po di nakakapag update si DarkBlak. Medyo abala sya sa trabaho..  Maraming salamat nga pala sa mga dumadalaw at nagiiwan ng bakas sa kanyang ShoutBox. Sa mga nagpapa-exlinks, susubukan ko din po iupdate yung blog roll nya pag may extra time din ako.
DB~ wag mo masyadong pagurin ang sarili mo ha ^_^ mwah! ingat lagi