Peksman Nagsisinungaling si Eros Atalia
Last Updated on Friday, 13 August 2010 10:26 Written by DarkBlak Monday, 28 January 2008 02:30
Last friday nakabili ako ng libro ni Eros Atalia na may pamagat na “Peksman (mamatay ka man) Nagsisinungaling Ako”. Sabi kasi nila atakeng Bob Ong daw ng style ni Eros kaya medyo naintriga ako at naghanap ako ng sarili kong kopya. Nalaman ko rin na si Eros Atalia pala ay batang Cavite City kaya hindi na ako nag dalawang isip na bilhin ang “Peksman (mamatay ka man) Nagsisinungaling Ako” ni Eros Atalia. Tutal magkakababayan naman kami kaya binili ko na nga ang libro nya.
Tinalakay sa libro ang pakikipagsapalaran nya sa paghahanap ng trabaho, ang pakikipag ututang dila nya kay James Bond, kay John Lennon kay Taguro na nagiging boses Sailor moon, ang kakaibang point-of-view nya sa mga sindikato at kung ano ano pang kalokohan.
Gusto ko rin sanang mabasa ang nauna pa nyang naisulat na may pinamagatang “Taguan Pung (Koleksyon ng Mga Dagling Kathang Di Pambata) at Manwal ng Mga Nagpapagal (Kopi Teybol Dedbol Buk).” Panigurado maganda rin ito at hindi nakakahinayang basahin.
Kung taga Cavite City lang si Eros Atalia sana makita ko sya para naman mapapirmahan ko yung nabili kong libro. Gusto ko rin makita si Intoy Syokoy ng kalye Marino, mapapa autograph din ako sa kanya.
Related Post(s)


[...] Blog ng Taong Walang Magawa wrote an interesting post today on Peksman Nagsisinungaling si Eros AtaliaHere’s a quick excerpt Last friday nakabili ako ng libro ni Eros Atalia na may pamagat na “Peksman (mamatay ka man) Nagsisinungaling Ako”. Sabi kasi nila atakeng Bob Ong daw ng style ni Eros kaya medyo naintriga ako at naghanap ako ng sarili kong kopya. Nalaman ko rin na si Eros Atalia pala ay batang Cavite City kaya hindi na ako nag dalawang isip na bilhin ang “Peksman (mamatay ka man) Nagsisinungaling Ako” ni Eros Atalia. Tutal magkakababayan naman kami kaya binili ko na nga ang libro nya. Tinalakay sa libro ang p [...]
^_^ hehe uy! may pingback
nakita ko na yang si eros…sa PNU kasi ako nag-aaral…at dahil graduate ng PNU si Eros, at magaling ding sumulat, sya ang naging lecturer namin sa literary seminar…nakakatuwang maglecture yan…saka marami kaming natutunan sa kanya…
uy padala mo sa akin yung book pag tapos mo na basahin
Sabi nga ni Sir Jun Cruz Reyes, si Eros ang Bob Ong na may lalim at may kabuluhan.
pusanggala.taga-PNU pala si eros. bakit hindi ko siya nakita dun? ahahaha..halatang napag-iiwanan na ako..
oist, ang ganda ng blog mo. and i like your style of writing.
ex-link? hahahaha
thanks for the adding fun at the jokefest.
Oo tama ‘yung comment na si Eros ay Bob Ong na may lalim. Hehe!
Naging professor ko siya sa Fil 1 saka ngayong sem sa Retorika. Laptrip talaga mga klase niya. Siya lang ang subject ko ngayon na ginaganahan akong pasukan.
yung “peksman…” sequel yun ng una nyang libro, yung “taguan-pung…”
HAHA. prof namin yan sa retorika sa uste. gusto mo bigay mo sakin, papirma ko sa kanya.
lawls.
parang masarap din katambay c eros kung wla kng magawa
pwede bang malaman kung saan pa ko makakabili ng libro ni eros? wala na kasi sa mga bukstore!
nung huling nakaraang last 2 weeks bibili sana ako ng “bakit baliktad..” ni b.o pandagdag sa lumalaking koleksyon ko ng mga libro (meron ng tatlo. kaya nga “lumalaki”) kaso walang kahit anong tira sa mga akda ni ong, dinekwat yata ni eros atalia at tinago sa shelf ng taks en ekanami. at anukamo ang nakita ko sa istante? peksman ni eros, nag-iisa. parang iniwan talaga para sa akin. nabanggit na sa kin ng kaibigan ko ang tungkol sa isang eros atalia kaya dinampot ko ang tigalawangdaan na aklat at binayaran sa counter. oo, malalim. pero madali namang umahon kung sakaling sa kasarapan ng pagbabasa mo eh bigla kang tawagan ng anito ng banyo. ganun kadali basahin. hindi nakakatanga. bumalik ako sa tindahan ng sumunod na linggo para maghanap ng “manwal..” pero wala. kay grasya: bilhin mo yung kopya ko kung gusto mo, limanlibumpiso, papa-lbc ko pa. may pirma ko pa yun, hehehe.. oo nga, hirap maghanap ng aklat niya.
Pareng Fred, U stil remember me ?heheheeh.
Pre im looking for some ERos Atalia Stuffs po eh.
hmp!mr. Eros Atalia, sino ka nga ba talaga?
bakit ka-istilo ka nga ni bob ong?
…….di kaya ikaw si Bob Ong?.
pero ha, ang galing mo.
lahat ng libro ni bob ong nabasa ko na.at malapit ko na rin matapos ang sayo… tingnan natin if hangang saan ka ni bob ong.
magaling, magaling na manunulat si Eros, nabasa ku un una nya sinulat na libro (taguan pung at manwal ng napapagal) nun bagung labas pa lang un at talagang sangayon aku sa mga sinabi nya dun.. magaling.. plano ku ren basahin ang pangalawa nyang libro.. at aabangan ku ren ang iba panyang isusulat..
una kung nakilala si Eros Atalia nung nakita ko ang isa kong co-teacher na tumatawang mag-isa sa harap ng puting libro (Peksman…) na may larawan ng lalaking sumisimbolo sa ordinaryong hampaslupang pinoy. tinanong ko sya kung bakit para syang hinihipan sa pwet kung makatawa. sabi nya nakakatuwa daw yung binabasa niya. kung kaya nung natapos nya itong basahin, hiniram ko ito sa kanya. nung ako naman ang nagbabasa syempre natuwa din ako. nakarelate kasi ako sa mga pinagsasabi nya doon e. nabasa ko din na ikinukumpara siya kay Bob Ong. Sinasabing gaya-gaya puto-maya lang daw itong si Eros. Tinanong ko noon ang sarili ko kung sino naman si Bob Ong. Saan ko nga ba nadinig o nabasa ang pangalang Bob Ong? Tama! Sa text. May nagsend kasi sakin ng ilang lines from Bob Ong’s Stainless Lonnganisa book. Naisip kung baka mas magaling si Bob Ong kesa kay Eros. Kung kaya’t naisipan kung bumili ng mga libro ng dalawang manunulat. sa kasamaang palad, tatlong libro lang ni Bob at isang libro ni Eros ang nabili ko. binasa ko lahat ng librong iyon sa loob ng isang araw at ikinumpara ang dalawang awtor. at ang aking findings: una, parehas ang istilo; pangalawa, parehas nakakatuwa; pangatlo, parehas nila akong naengganyong ipagpatuloy ang ginagawa kong libro na matagal ko nang sinusulat simula pa nung time na hindi ko pa kilala sina bob at eros; pang-apat, hindi sinasadya na ang istilo nila ay parehas din sa istilo ko – ang mamilosopiya sa mabababaw na bagay subalit may malalalim na mensahe. Ang problema ko lang ngayon e kung paano ko maipiprint ang libro ko kung sakaling matapos ko ito. tutulungan kaya ng justice league? babasahin din kaya at susubaybayan ng tao ang libro ko na may pamagat na… wag na lang baka manakaw ang title. babala: wag ikumpara sina bob at eros dahil parehas silang ayus.
yun nga po.di maiwasang pagkumparahin, dahil sa gagaling nila dava!
well…nabasa ko na ang peksman mamatay man nagsisisnungaling ako as well as ung mga bob ongs books….no comparison at all…
they are two different writers…with different styles the common thing is that they relate their to stories to reality which makes us(readers) enjoy their books..lahat ng manunulat may sariling pagkakakilanlan…
sinong may copy nung first book ni eros??–reighnne
actually nabasa koh n lahat ng book ni BO kaya lang etong kay Ehros Atalia wala p akong nababasa kahit isa,, cguro nga magaling k din Ehros kc kung halos lahat eh nagsasabi n ka istilo moh mag sulat c BO… Pwede bang makahingi ng mga title ng book moh,,, gusto koh lang kolektahin eh,,, ilang book n b meron e2ng c Ehros,,, pag uwi koh jan s pinas bago ako bumalik d2 s dubai (ndi poh akoh humble-PEKSMAN) kailangan kung makomleto ang book moh para nman may pampalipas oras akoh pagkatapos ng trabaho…
sana may magpadala ng mga title ng book s email koh…
salamat poh….
[...] may titulong “Ligo na U, Lapit na Me“. Isa sa naunag sinulat ni Eros Atalia ay ang “Peksman (mamatay ka man) Nagsisinungaling Ako”. Pansamantala i-enjoy muna natin ang Chapter 1 ng “Ligo na U, Lapit na [...]
Nagustuhan ko din yung 2 books ni eros (hindi dahil caviteno din ako tulad nyat at tulad mo)… hinihintay ko na ang pagsilang ang bunso nya. pinag ipunan ko na sa alkansya ang pera na ido-donate ko sa national bookstore para mabasa ulit si eros.
hindi kaya si eros si bob ong?? ahahha pareho talaga.. at dahil madami akong sources… tinatamad lang akong magkwento.. ahahhaha ^^ masyadong mahaba.. ahhahaha ^^ tmad mag type eh..
pero feeling ko si eros ay si bob ong. at si bob ong ay ang kanyang alias ^^
guro ko si sir eros sa ust
hmmmpppp… gusto ko rin ng libro ni eros atalia pero d ko alam kung saan bibili….
nag effort aq tumayo sa powerbooks para lng mabasa yan, 5star rating!
nkbasa n dn ako ng mga books nlang dlawa,bob ong and eros,pareho clng nkaka inspire at nkakawala ng boredom s buhay.parang n rereach mo ung mbabaw n mlalim at mlalim n mbabaw
tsk tsk tsk
ala Bob ong nga ah! pero still.. dats the style of bob ong na! at dito sa book n to,,, hndi ba may nilalaman na galing mismo kay Bob ong??? like un sa Filipino movie! hndi ba mukang kinuha yun idea from bob ong? and wat i dont like is,kylangan ba kumuha ng taga salita pra sa knya at isali pa un mga comment na halata nman na scripted sa libro nya!? well.. obvious un kayabangan! tlgang pinapublished pati picture… very childish
Wui.. Mganda ba tong libro ni Eros Atalia? Eto yta ung may manong na naka =) sa cover?
Nkkatawa ba? AlaBob Ong ba? Mbaxa nga toh.. Minxan titigil nga ako xa NBS pra lang silipin toh.. Xbe daw xa intro my nkasulat na: “HUMANDA KA BOB ONG” totoo ba? Nag-aaway2x iisa lang rin nman ang publisher nila… Pero tingin ko MAS aztig c Bob Ong.. Mtindi ung green at red buk, la kwenta ung orange..
ako kahit di ako taga cavite gusto ko ang mga sulat ni eros…..hmmmm..
Lagi kong nakikita si sir sa skul. Simple lang nya manamit, kaya asteeg!
magkakaroon xa book launching sa smx sa sept 17..invite niya ako kaso sabi ko bigyan niya akong tig isang book niya…sabi niya d niyaata ka un..hehe….ngpromise nmn xa…kuripot ata..hehe
i dont think na pareho sila ni bob ong ng style..meron man silang similarity, yun e yung genre ng libro nila-humor..pero magkaiba sila..masasabi ko may pag ka elitista pa yung content ng mga sinulat ni bob ong..nabasa ko na lahat ng books ni bob ong at ni eros..mag-kaiba talaga sila..yun lang hehe!
–peace man!
tinanung ko si sir eros nung nakachat ko sa fb kung totoo ba tlga si bob ong..sabi nya SECRET daw un hahahaha
sa tingin mo si Eros ba at si Bob Ong ay iisa??
on my personal view, parehas lang magaling magsulat si Bob Ong and Eros, yet mas gusto ko si Eros. Why?simple, he really do lives in reality, unlike Ong, he’s somewhat like a ghost. mas masarap hangaan ang taong hindi natatakot humarap sa mundo at kayang panindigan ang mga sinasabi.ryt?
yung lalake sa librong peksman, yung pedicab sa kalye marino si idong nagulat ako c idong pala yung sa cover, peo maganda yung libro, mga cavitenyo puro kalokohan,hahahaha basta pag kalokohan nangunguna tau
wee prof namin sya at caviteña rin ako…. love it.
^___________^ !
try niyo rin basahin yung mga libro ni Jun Cruz reyes, yun ang no. 1 na nag-influence kay eros sa kanyang pagsusulat.
Eros and Bob Ong are two different people. I met Eros na bec of my bf.he’s really simple.you won’t even know he’s a writer. Si Bob nman kapitbahay ng bf ko sa qc.mas simpleng tao daw.nka punit punit na tshirt.heheh..
hay. . .type q rin yung book pero mas maganda parin yung kay bob ong. . .
Si Sir Eros, sobrang galing nya magturo. He makes you realize na mas madami pang meaning yung gustong iparating nung piece. He’s so good talaga.
ayos…
simpleng mga reyalidad…
haha natapos ko na rin yung ligo na u…
kamusta si jen???
nge…
magaling, magaling…
mahirap talaga kalabanin ang bagot men!
nkabili aq ng “ligo na u, lapit na me” ang ganda ng story, aabangan ku ung continuation nun.. ! may aral khit na daring xa..
astig talaga ang mga sinulat ni sir eros!!!!!
lagi ko sya nakikita dito pero di nya ako friend (takot ako magpakilala kasi baka suntukin nya ako)…astig sya! meron akong mga libro nya, borrow ka? di sya si bob ong, kasi ako si bob ong eh (wish ko lang).
astig….kahit di ko kilala mga author n yan…hanga ako s kanila
daig nyo pa mga artista dito sa pinas at mga madadaldal na tv host…love it!!!!keep it up…
Yung “Ligo na na u, Lapit na me” pa lng ang meron ako. Yung “Taguan Pung” ang hinahanap ko. Wala kasi sa National na malapit. Anyway maganda yung story, may kiliti at kurot na ewan. Parang ang sarap batukan ni Intoy! LOL
Kakabitin din yung ending..
Sana release agad yung kasunod (demanding).
BTW hindi na mahalaga kung si Bob at Eros ay iisa, at sana wag na lang pagkumparahin.
Basta enjoy reading na lang. Hehe!
Sana mapa-pirmahan ko kay Eros yung mga libro nya. =)
@Chris – alam ko kung saan madalas naglalagi si sir Eros. Kung taga Caviteka madali lang syang mapuntahan.
sir/mam, magkano kaya yung libro? atsaka, meron pa ba nito sa market? salamat sa reply in advance, i need to buy this book for a very special person…i hope u could help me…
@Anie – Try mo maghanap sa mga National Bookstore or any Powerbooks branch.
hay.,. ang galing tlga ni eros, madami akong natutunan sa kanya,. hahahahaha
ang galing ni eros., saan na ba c jen??
saan ba nakakabili ng taguan pung saka manwal ng napapagal?
kung kai eros kyo kai eros kayu kung kai bob ong kayu kai bob ong..bket ano namn kung ayaw nyo kai bob ong?!baket gusto nya ba kayo??..bkit kelangan ipagcompare..anu namn pke niyu o nten kung prang ghost si bob eih yun xa ei kya nga very unique sya..basta ako bob ong fan prin ako..iba iba tayo ng likes dba?