monetize traffic
4 Mar, 2008 in personal by DarkBlak

Magsaya tayo kahit walang magawa

Masarap magsaya dahil kahit papano nakakalimutan natin ang mga problema natin. masarap magsaya lalo na kung kasama mo ang taong malalapit sa puso mo.

Pero nasubukan mo na bang magsaya kahit may mabigat kang problema? Nasubukan mo na bang magsaya ng hindi mo kasama ang taong mahal mo? Ewan ko lang pero parang ang hirap ata magsaya kung wala naman sa tabi yung mahal mo, mahirap magsaya kung may mabigat kang problema.

Pero sa ngayon parang ganun ang nangyayari sa akin. Sa dami ng nangyayaring hindi ko gusto mapipilitan na lang akong magsaya. Magsaya kahit may mabigat na problema, magsaya kahit alam mo namang wala na sa tabi mo ang dapat ang taong unang matutuwa kapag masaya ka.

Sa ngayon yun na lang ang alam kong gawin, ang magsaya. Gagawin ko na lang ang mga bagay bagay na pwedeng makapag pasaya sa akin. Mga bagay na pwedeng makapagpalimot ng mga problema kahit sandali lang. Sa tulong ng ibang tao magagawa ko ring magsaya sa kabila ng lahat ng nararanasan ko ngayon.

Para sa akin, patuloy pa rin ang paglalakbay patungo sa hinaharap. Patuloy pa rin ang buhay. Maglalakbay akong masaya sa kabila ng lahat……

We all laugh. We all hurt. We all make mistakes. We all dream. That’s life. It’s a journey

Related Post(s)

No Responses so far | Have Your Say!

Leave a Feedback

XHTML: You can use these tags: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>