lunch break
kada lunch break iba iba yung nakakainan namin. may canteen naman sa building namin kaya lang di pa kami nakakakain dun kahit isang beses man lang, lagi kasing puno eh kaya ayun. nung first day nakikain kami sa canteen ng ibang building, hehehe. tapos nung second day sa resto ni pareng Ronald (McDo) naman kami kumain. nung third day at fourth dumayo pa kami sa food court ng Landmark para kumain, napaso pa yung dila ko sa sobrang init nung kanin, hanggang ngayon ramdam ko pa yung sakit ng napasong dila. nung pang fifth day namin balik kami sa resto ni pareng Ronald pero nag take-out nalang kami kasi medyo late na rin yun eh, may inayos pa kasi kami nung 12:00pm kaya ayun halos 1:00pm na rin kaya nag take-out na lang kami, dun na lang kami kumain sa table namin habang nagtatrabaho. mukhang masipag pa diba? hehehe. sa susunod kaya saan naman kami kakain? sa mga resto kaya sa New York? How about restaurants in San Diego or in Paris? hehehe…. sosi…. hakahak…. libre lang naman mangarap eh!


try mo sa london dude hehehe
Comment by turismoboi | May 27, 2007