hmmm….. hirap kumita ng pera ngayon. ang mahal ng bilihin, mahal ang pamasahe, mahal ang gasolina, anyway, ano kaya magandang negosyo ngayon? buti pa si Ram at Pong may biznez. hmmmm ulit… eh kung mag real estate kaya ako? pero hindi ako dito sa Pinas magbebenta, kunwari sa San Diego, hehehe. kasi sabi may right time daw para magbenta ng real estate sa San Diego sabi ni George Lindemann Jr. mahirap siguro magbenta kung nasa ibang bansa, dito na lang ako sa Pinas. kaya lang ano bang magandang biznez dito? Cart biznez? yung mga tipong Shawarma, Kikiam, Fish Ball, Squid Ball, etc., etc… o kaya tulad ng kina Ram? mahirap naman yun kung walang regular na pumapasok na income. Computer Shop? dami ng nagkalat sa tabi-tabi, tapos mahal pa ng license ng software, pag pirata naman binili mo susumbong ka ng kalaban mong shop. hirap mag biznez. magtatrabaho na lang muna ako. pagnakaipon saka ko na lang isipin ulit ang mag negosyo.