First Day Work
Last Updated on Wednesday, 22 April 2009 12:27 Written by DarkBlak Monday, 21 May 2007 09:31
nakakapagod ang unang araw ko sa trabaho…. nakakapagod kasi traffic papunta tapos traffic pa rin pauwi. wala naman kaming ginawa ngayon kasi nasa training palang kami. mukhang masaya naman yung work ko di ko lang alam kung makakapag net ako sa work, hehehe. medyo kainis lang kasi kailangan naka business attire kami. dapat long sleeves di pwedeng short sleeves. eh di ko pa naman trip mag polo lalo na kung long sleeves, wala nga akong long sleeves kahit isa eh, hehehe. ayun nung uwian dumaan muna ako ng Landmark at napabili ng polo ng wala sa oras. kakapagod lang talaga yung byahe papunta at pauwi dahil sa mga trapik na walang katuturan. punuan pa naman mga bus kaya wala akong magawa kundi magtiis ng nakatayo. pero ok lang yun ang importante may trabaho na ako kahit na minsan para akong aattend ng js prom, at kailangan ko ng prom tips. ciao!!!
Related Post(s)


wahehe
sana ok naman yung longsleeved polo na nahalukay ko sa baul namin ^_^ bigay ko sainyo mamaya.
hello po! thanks for dropping by to my blog. good thing naman po at may work kau! pangit lang ung attire. he he…pero go go go!
ok nga yan eh. ako nga gusto ko din mag longsleeve kapag papasok sa office eh. kaso nga lang pagtayo ko sa higaan office ko na kaya wala din
@fio – ok naman…. kasya naman po
@lyann – hehehe, medyo kailangang masanay na ako sa ganitong attire.
@Ram – home-based kasi eh, hehehe.
alam ko kung bkt mo ayaw mag polo. . . may solusyon dyan… stomach in lng pre… oks ba? peace