monetize traffic

Kamandag Mountaineers

Last Updated on Sunday, 15 June 2008 06:37 Written by DarkBlak Tuesday, 29 January 2008 03:35

Mahilig ba kayong umakyat ng bundok o pinapangarap nyong umakyat ng bundok? Masarap sigurong umakyat ng bundok kasi nakaka relax. Kahit nakakapagod umakyat pag narating mo naman yung tuktok parang mawawala yung pagod mo sana one time maka akyat din ako ng bundok. May mga officemate akong mountaineers gusto ko sanang sumama sa kanila kahit minsan lang kaya lang baka di ko kayanin, hehehe. Pero one time sasama ako sa kanila lalo na ngayong may pormal na silang grupo, ang Kamandag Mountaineers. Sana umakyat sila ng bundok na pang newbee lang para makasama ako, hehehe.

Kamandag Mountaineers is a group of responsible people who loves to preserve environment. Kamandag was form last October 17, 2007 when we first climb Mt. Sembrano. We’re just three back then. Ako(Thots), Albert and Randy.

Sa mga gustong sumali puntahan nyo lang yung profile nila, may mga tips din dun para sa mga newbee.

Everyone who are CERTIFIED Mountaineers and those who aspire to be a Mountaineer as well as yung mga Nature Lover are welcome to join.

Click nyo lang ang link na to para makasali -> Kamandag Mountaineers.

Learn More

Puerto Galera Trip

Last Updated on Sunday, 15 June 2008 06:50 Written by DarkBlak Monday, 21 January 2008 02:49

Jan. 17 – 8:30am pag kagaling namin ng office nag almusal muna kami sa Wendy’s habang inaantay si Ricca at Cath, umuwi kasi si Ricca para kumuha ng damit, naiwan kaming anim (Richard, Michael, Derick, Ram, Edster at ako) pagtapos naming mag almusal bumili muna kami ng konting baon sa grocery. bago mag 11:00am dumating na sila Ricca at Cath. 11:00am nakasakay na kami ng Bus papuntang Batangas City Pier. habang nasa bus natulog lang ang iba sa amin. mga bandang 1:00 dumating na kami sa Pier ng Batangas City. at dahil halos lahat sa amin eh first time na magpunta sa Puerto Galera medyo atat na kami kaya bumili na agad kami ng ticket papuntang Sabang dahil yun ang may pinaka maagang byahe papuntang Puerto Galera. Pagdatong namin sa pampang ng Sabang halos lahat ng tao nakatingin sa amin. Kaya pala sila nakatingin kasi nagtataka sila kung anong ginagawa namin dun… pugad pala yun ng mga foreigner na mahilig mag diving at mag aliw sa piling ng mga babae. kaya ayun napilitan kaming umarkila ng jeep para dalhin kami sa White Beach. halos 2:00pm na rin kami dumating ng White Beach. Pagkadating namin dun hanap agad kami ng bahay, tapos kumain ng lunch at tumingin ng konti sa mga souvenir shop kahit hindi pa kami uuwi. At dahil apat sa amin ay galing sa night shift (Wala pa kaming tulog), pagod pa kami sa bahay at sinabayan pa ng ulan nagpasya nalang kaming magpahinga na lang ng maaga.

Learn More

 

Enter your email address:

Delivered by FeedBurner


 

Hits:


Adgitize your web site.

Find Me On

 







 

Live Traffic Feed

Live Traffic Feed Disabled

Feedjit Widget
Designed by RocketTheme
WordPress is Free Software released under the GNU/GPL License.