monetize traffic

trip to Alabang

Last Updated on Wednesday, 22 April 2009 12:23 Written by DarkBlak Monday, 28 May 2007 06:11

ngayong nagtatrabaho na ako bihira na akong makapunta ng Alabang. Bihira ko na masusundo o mahahatid si Fionixe. Kakamiss din yun. Kakamiss makita yung mga bukiring nadadaanan namin sa Daang Hari, yung mga nag gagandahang bahay sa mga naglalakihang subdibisyon, yung Police Station sa Daang Hari na mukhang bahay at kung ano ano pa. Kung sa Zapote naman kami dadaan nakakamiss dun yung trapik na wala na atang katapusan, yung pag-aantay ng pasahero ni mamang driver na kahit ata abutin ng isang taon sa pag-aantay ay di aalis hanggat di puno ang kanyang jeepney. syempre yung mga usok ng tambutso ng mga walang kwentang jeep eh hindi nakakamiss. Isa pang namimiss ko sa eh yung mga nadadaanan naming mga car dealers. ang daming car dealers duon, merong Ford, Honda, Mazda, Isuzu, Toyota, may nakalimutan pa ba ako? nakakatuwa kasing pagmasdan yung mga magagarang sasakyan nila, kaya maaliw ka rin sa byahe kahit papano. at least kahit sa tingin nakita ko yung mga magagandang sasakyan. kaya lang bakit kaya walang Rolls Royce dealer sa Alabang? Baka balang araw maging car capital ng Pinas ang Alabang kasi halos lahat ng car dealer nandun na eh, heheheh :)

Learn More

go negosyo!!!

Last Updated on Wednesday, 22 April 2009 12:24 Written by DarkBlak Sunday, 27 May 2007 03:10

hmmm….. hirap kumita ng pera ngayon. ang mahal ng bilihin, mahal ang pamasahe, mahal ang gasolina, anyway, ano kaya magandang negosyo ngayon? buti pa si Ram at Pong may biznez. hmmmm ulit… eh kung mag real estate kaya ako? pero hindi ako dito sa Pinas magbebenta, kunwari sa San Diego, hehehe. kasi sabi may right time daw para magbenta ng real estate sa San Diego sabi ni George Lindemann Jr. mahirap siguro magbenta kung nasa ibang bansa, dito na lang ako sa Pinas. kaya lang ano bang magandang biznez dito? Cart biznez? yung mga tipong Shawarma, Kikiam, Fish Ball, Squid Ball, etc., etc… o kaya tulad ng kina Ram? mahirap naman yun kung walang regular na pumapasok na income. Computer Shop? dami ng nagkalat sa tabi-tabi, tapos mahal pa ng license ng software, pag pirata naman binili mo susumbong ka ng kalaban mong shop. hirap mag biznez. magtatrabaho na lang muna ako. pagnakaipon saka ko na lang isipin ulit ang mag negosyo.

Learn More

lunch break

Last Updated on Wednesday, 22 April 2009 12:26 Written by DarkBlak Saturday, 26 May 2007 07:06

kada lunch break iba iba yung nakakainan namin. may canteen naman sa building namin kaya lang di pa kami nakakakain dun kahit isang beses man lang, lagi kasing puno eh kaya ayun. nung first day nakikain kami sa canteen ng ibang building, hehehe. tapos nung second day sa resto ni pareng Ronald (McDo) naman kami kumain. nung third day at fourth dumayo pa kami sa food court ng Landmark para kumain, napaso pa yung dila ko sa sobrang init nung kanin, hanggang ngayon ramdam ko pa yung sakit ng napasong dila. nung pang fifth day namin balik kami sa resto ni pareng Ronald pero nag take-out nalang kami kasi medyo late na rin yun eh, may inayos pa kasi kami nung 12:00pm kaya ayun halos 1:00pm na rin kaya nag take-out na lang kami, dun na lang kami kumain sa table namin habang nagtatrabaho. mukhang masipag pa diba? hehehe. sa susunod kaya saan naman kami kakain? sa mga resto kaya sa New York? How about restaurants in San Diego or in Paris? hehehe…. sosi…. hakahak…. libre lang naman mangarap eh!

Learn More

trabaho, work, job

Last Updated on Sunday, 20 May 2007 04:35 Written by DarkBlak Sunday, 20 May 2007 04:17

sa wakas pagkatapos kong mag-antay ng lampas isang buwan, matapos kong maranasan na ma interview mismo sa bahay naman (para sa background investigation), matapos kong magpabalik balik sa agency na inaplyan ko, natapos na rin ang kalbaryo ko, hehehe. may trabaho na ako. sa lunes magsisimula na ako. yun nga lang 3 months lang yung kontrata. project basis lang kasi. hopefully pag natapos na yung contract meron pa uling kasunod, yung mas stable na work.

Smart Update: Sa wakas wala na ring nagpapadala ng text sa akin galing sa 2727.

Learn More

Yo! Joe!!

Last Updated on Sunday, 15 June 2008 09:23 Written by DarkBlak Friday, 18 May 2007 04:15

bukas sasamahan ko si fionixe sa makati, may aayusin kasi syang importante. tapos pupunta kami sa Power Books, titignan namin yung bagong book ni Bob Ong, nalimutan ko yung title eh. kung kakayanin baka bumili na rin kami ng isang kopya, maghihiraman na lang kami, hehehe. after nun punta kami ng ViraMall sa Greenhills para tumingin ng mga old school na laruan tulad ng G.I. Joe, transformer at kung ano-ano pa. may clearance sale daw eh, baka may mura, yung tipong piso lang isa, bibili agad ako ng marami, harhar.

Learn More

Bleach

Last Updated on Sunday, 15 June 2008 09:23 Written by DarkBlak Monday, 14 May 2007 02:20

lately halos araw araw akong nanonood ng bleach sa DVD, medyo boring kasi yung sa GMA7 eh… di ko gusto yung mga dubber. mas magaling mag dub yung mga datihang dubber ewan ko ba kung bakit puro artista ang kinuha nilang dubber, di naman bagay sa boses ng charcter yung mga kinuha nila. anyway nasa 88th episode na ako so far, yung DVD ko na binigay ni fionixe ay hanggang ep 90 lang. kahapon nagpunta ako ng Cavite at dumaan kina Frinz sa di inaasahang pagkakataon nakahiram ako sa kanya ng episode 91 to 118 at isang movie. bale may total 127 episode so far ang alam kong ep ng Bleach.

update ng smart: so far wala pa akong natatanggap na text mula sa 2727… sana magtuloy tuloy.

Learn More

Bogsa

Last Updated on Wednesday, 22 April 2009 12:28 Written by DarkBlak Tuesday, 8 May 2007 02:25

Ngayon ko lang napuna sabog pala ang blog ko kapag IE ang gamit. Buti na lang binanggit sa akin ni Fionixe kanina lang. Ayusin ko na lang yung theme pag wala akong magawa or baka magdownload na lang ako ng bago pag wala akong magawa. Pang FireFox muna ang theme ko sa ngayon :)

Learn More

Second Day Blog

Last Updated on Tuesday, 24 April 2007 03:47 Written by DarkBlak Tuesday, 24 April 2007 03:37

hmmmm (ulit)…. wala lang…. wala pa rin akong work hanggang ngayon. am still waiting forCarpool: First Trip a call para makapag trabaho na. tagal kasing tumawag nung pinag aplyan ko eh. hopefully this week Fanatakada Covermakakareceive ako ng call sa kanila at malalaman ko na rin kung kailan ako makakapag start sa bago kong work.

kahapon sinamahan ko lang si fionixe sa makati, may kailangan kasi syang ayusin na importante. then mga past 3:00pm dumiretso kami sa Power Books para bumili ng book 7 ng beerkada, entitled Fanatakada at ng isa pang boook ng Carpool: First Trip ni Syeri. After nun kumain lang saglit then umuwi na rin kami.

Learn More

First Day Blog!

Last Updated on Saturday, 21 April 2007 05:37 Written by DarkBlak Saturday, 21 April 2007 05:37

hmmm….. after kong mawala ng matagal sa mundo ng blogging ako ay muling nagbabalik kahit na walang kasiguraduhan kung makakapag blog ako ng madalas o hindi. eniways, narito akong muli para magsulat ng mga walang kwentang bagay kahit na alam kong wala namang nagbabasa ng blog ko, kung meron man kaunti lang, hehehe.

hopefully sa susunod na post mas matino na ang maisusulat ko. hanggang sa muli!!! :)

Learn More

 

Enter your email address:

Delivered by FeedBurner


 

Hits:


Adgitize your web site.

Find Me On

 







 

Live Traffic Feed

Live Traffic Feed Disabled

Feedjit Widget
Designed by RocketTheme
WordPress is Free Software released under the GNU/GPL License.