Blog ng Taong Walang Magawa

tambayologist in action

A Sad Story Behind the Beauty of Anawangin

Dalawang beses na akong nakabalik sa Anawangin, tunay kasing napakaganda ng Anawangin kaya nanaisin mong bumalik dito. Ngunit sa kabila pala ng kagandahan ng Anawangin eh may malungkot palang istorya na nagkukubli dito. Ang kwentong ito ay nangyari pagka alis namin sa Anawangin last Holy Friday. Read more…

May 24th, 2008 Posted by DarkBlak | Trip to Philippines, personal | 9 comments

Magsaya tayo kahit walang magawa

Masarap magsaya dahil kahit papano nakakalimutan natin ang mga problema natin. masarap magsaya lalo na kung kasama mo ang taong malalapit sa puso mo.

Pero nasubukan mo na bang magsaya kahit may mabigat kang problema? Nasubukan mo na bang magsaya ng hindi mo kasama ang taong mahal mo? Ewan ko lang pero parang ang hirap ata magsaya kung wala naman sa tabi yung mahal mo, mahirap magsaya kung may mabigat kang problema.

Pero sa ngayon parang ganun ang nangyayari sa akin. Sa dami ng nangyayaring hindi ko gusto mapipilitan na lang akong magsaya. Magsaya kahit may mabigat na problema, magsaya kahit alam mo namang wala na sa tabi mo ang dapat ang taong unang matutuwa kapag masaya ka.

Sa ngayon yun na lang ang alam kong gawin, ang magsaya. Gagawin ko na lang ang mga bagay bagay na pwedeng makapag pasaya sa akin. Mga bagay na pwedeng makapagpalimot ng mga problema kahit sandali lang. Sa tulong ng ibang tao magagawa ko ring magsaya sa kabila ng lahat ng nararanasan ko ngayon.

Para sa akin, patuloy pa rin ang paglalakbay patungo sa hinaharap. Patuloy pa rin ang buhay. Maglalakbay akong masaya sa kabila ng lahat……

We all laugh. We all hurt. We all make mistakes. We all dream. That’s life. It’s a journey

March 4th, 2008 Posted by DarkBlak | personal | no comments

Wala akong magawa

bakit kaya minsan kahit anong pilit mong magtrabaho tatamarin at tatamarin ka? madalas inaantok ka kapag maraming trabaho.

pero bakit minsan naman kapag ginaganahan kang magtrabaho pinipigilan ka naman nilang magtrabaho? sana antukin na lang ako kapag pinipigilan kong magtrabaho.

hay buhay nga naman….

February 11th, 2008 Posted by DarkBlak | personal, reklamo, work | 2 comments

Bulakbol muna

dahil lagi kaming walang magawa sa ofis naisipan naman naming magbulakbol… bukas pupunta kami sa Puerto Galera!!!

 konti lang kaming pupunta yung iba kasi hindi makakasama kasi may mga importanteng bagay na dapat unahin. anyway kahit konti lang kami makakapag enjoy parin naman kami eh.

yun nga lang hindi ako marunong lumangoy (kahit na lumaki ako sa tabing dagat), hindi ko rin ma eenjoy masyado yung ibang magagandang activities dun.

pero ok lang kahit hindi ako marunong lumangoy, maraming paraan para makapag enjoy. gusto mo sumama?

January 16th, 2008 Posted by DarkBlak | personal | no comments

blanko

blanko… walang magawa… nakatunganga… walang maisip… naka tingin sa kawalan…

blanko… hindi alam ang gagawin… hindi alam ang ginagawa… hindi alam ang ginawa…

blanko… walang magawa… nakatunganga… walang maisip… naka tingin sa kawalan…

blanko… walang magawa kahit maraming dapat gawin… walang magawa kahit may ginagawa…

blanko… walang maisip… nag-iisip kahit walang maisip… nag-iisip kahit walang iniisip…

blanko… nakatunganga…nakatingin sa kawalan… walang nakikita kahit maraming nakikita…

blanko… hindi alam ang gagawin… hindi alam ang ginagawa… hindi alam ang ginawa…

January 7th, 2008 Posted by DarkBlak | personal | 3 comments