Last friday nakabili ako ng libro ni Eros Atalia na may pamagat na “Peksman (mamatay ka man) Nagsisinungaling Ako”. Sabi kasi nila atakeng Bob Ong daw ng style ni Eros kaya medyo naintriga ako at naghanap ako ng sarili kong kopya. Nalaman ko rin na si Eros Atalia pala ay batang Cavite City kaya hindi na ako nag dalawang isip na bilhin ang “Peksman (mamatay ka man) Nagsisinungaling Ako” ni Eros Atalia. Tutal magkakababayan naman kami kaya binili ko na nga ang libro nya.
Tinalakay sa libro ang pakikipagsapalaran nya sa paghahanap ng trabaho, ang pakikipag ututang dila nya kay James Bond, kay John Lennon kay Taguro na nagiging boses Sailor moon, ang kakaibang point-of-view nya sa mga sindikato at kung ano ano pang kalokohan.
Gusto ko rin sanang mabasa ang nauna pa nyang naisulat na may pinamagatang “Taguan Pung (Koleksyon ng Mga Dagling Kathang Di Pambata) at Manwal ng Mga Nagpapagal (Kopi Teybol Dedbol Buk).” Panigurado maganda rin ito at hindi nakakahinayang basahin.
Kung taga Cavite City lang si Eros Atalia sana makita ko sya para naman mapapirmahan ko yung nabili kong libro. Gusto ko rin makita si Intoy Syokoy ng kalye Marino, mapapa autograph din ako sa kanya.
January 28th, 2008
Posted by
DarkBlak |
books |
11 comments
Last time nabili namin yung bagong book ni Bob Ong na Mac Arthur sa Power Books Makati. Medyo dramedy ang atake ngayon ni Bob Ong dito sa kanyang red book. tungkol ito sa istorya ng apat na magkakaibigan na napagkaitan ng magandang kapalaran at patuloy na pinaglalaruan ng pagkakataon. tinalakay din dito kung pano sila nag struggle sa bulok nilang buhay kung pano silang patuloy na nakipaglaban sa masalimuot na buhay at kung panong lumubog ang iba sa kanila dahil nagpaubayang kainin ng maling sistema.
Kung sa mga unang libro ni Bob Ong nasasalamin natin ang ating sarili dito naman sa Red Book nasasalamin ang tunay na mukha ng Pilipinas, ang kahirapan.
Kung lugmok ka na talaga sa mga bagay na nakasanayan mo mahirap talaga magbago ng mabilisan. Kailangan talagang maging seryoso kung magbabago tayo, kung minsan pa kailangan pang makaranas tayo ng matinding trahedya para lang magsilbing taga pag paalala sa atin na mayh oras pa tayong magbago at hindi pa huli ang lahat.
Kung kaya lang siguro ng New Jersey plastic surgery nabaguhin pati ang buhay natin masaya sana. Pero hindi kaya ng plastic surgery baguhin ang buhay at pagkatao natin hanggang pisikal lang ang kaya nitong baguhin. Ikaw, kailan ka mag aa “I shall return” sa matinong buhay?
May 26th, 2007
Posted by
DarkBlak |
books, hobbies |
11 comments