monetize traffic

Ako si Superman!

Last Updated on Wednesday, 22 April 2009 12:02 Written by DarkBlak Friday, 9 May 2008 07:05

One fine day… isang araw na halos walang pinagkaiba sa mga nakaraang araw… akala ko lang pala yun… kanina habang papatawid ako sa kanto namin may isang minibus na nakaparad sa harap ko, then pag tingin ko sa kabilang side ng kalye may nakita akong Saulog na bus kaya nagmadali akong tumawid para makasakay na sana akala ko kasi Olongapo. Byaheng Olongapo kasi ang sinasakyan ko kapag papasok ako ng opis, sa Boni pa kasi ako napasok.

Ayun nga sa pagmamadali kung tumawid hindi na ko lumingon sa kaliwa ko kasi nakatigil naman yung minibus eh. Saktong paglampas ko sa minibus nakatingin ako sa kanan ko (sinisipat ko kasi kung Olongapo nga yung byahe ng Saulog) bigla ko na lang naramdaman na parang lumipad ako sa ere at pagkatapos bigla akong bumagsak sa kalye. Pagkabagsak ko parang walang nangyari, bigla akong tumayo at pumunta sa gilid ng kalsada, inaantay ko na lang lumapit sa akin yung Saulog para makasakay na ako, pag lapit ng Saulog byaheng Lawton pala, badtrip nagmadali pa naman ako tapos hindi rin pala ako makakasakay.

Saka ko na lang napuna na nabangga pala ako ng motor, lumapi na kasi sa akin yung driver nung motor at tinanong nya kung ayos lang ba ako. Pinakiramdaman ko muna ang sarili ko saka ko sinabi na ok lang ako. Gasgas sa tuhod at siko lang ang inabot saka bugbog na palad, yun kasi ang pinangsangkalan ko nung bumagsak ako. Pagkatapos naming mag-usap ng driver may dumaan ng Saulog na byaheng Olongapo at sumakay na ako para pumasok. Pagkasakay ko balik sa dati, parang walang nangyari kahit masakin ang tuhod, siko at palad ko. Papasok ulit ako at uuwi….

Learn More

Sweet and Sour Pancakes

Last Updated on Wednesday, 22 April 2009 12:26 Written by DarkBlak Wednesday, 23 May 2007 08:50

grabe…. second day ko sa work, maaga ako dumating sa makati. 7am palang nasa Makati na ako pero 9am pa yung start ng training namin. ang ginawa ko pumasok muna ako sa mcdo kasi medyo nalamigan ata yung sikmura ko kaya bumili ako ng 2pcs. hotcake na may kasamang hot choko. medyo antok antok pa ako nung time na yun kaya di ko namalayan na suka pala yung nadampot ko instead of hotcake syrup… badtrip talaga :D pagsalin ko nagulat ko nagtuloy tuloy yung suka sa hotcake ko, hehehe. buti napigilan ko agad yung pagsalin… grabe :D kumuha ako agad ng syrup at tinadtaran ko ng syrup yung hotcake ko pero kahit anong dami ng ilagay kong syrup nalalasahan ko pa rin yung suka, hehehe. first time ko makakain ng sweet and sour pancake :)

Learn More

 

Enter your email address:

Delivered by FeedBurner


 

Hits:


Adgitize your web site.

Find Me On

 







 

Live Traffic Feed

Live Traffic Feed Disabled

Feedjit Widget
Designed by RocketTheme
WordPress is Free Software released under the GNU/GPL License.