Bob Ong’s Kapitan Sino The Review
by DarkBlak on May.17, 2009, under books
Katulad ng “Alamat ng Gubat” at “Mac Arthur” ang Kapitan Sino ay sumasalamin sa naghuhumiyaw na katotohanan na nangyayari sa ating bayan, sa ating paligid… sa ating sarili. 80’s ang setting ng Kapitan Sino pero kung isisipin mong mabuti hanggang ngayon ganito pa rin ang nangyayari s atin. Mga taong naghahanap ng kaligtasan sa iba, mga buhay na umiikot sa wala, mga bayaning madaling malimutan.
Isang kwentong puno na kabiguan ngunit sapat naman sa aral kung pakaiintindihing mabuti ang istorya. Pagtulong sa kapwa, eto na siguro, para sa akin, ang pinaka sentro ng kwento sa pang pitong libro ni Bob Ong. Pagtulong sa kapwa sa abot ng makakaya mo, pagtulong ng hindi mo na kailangang ipagmalaki na ikaw ang tumulong sa kanila. Pagtulong sa kapwa sa abot ng makakaya mo, hindi dahil sa may hangganan ang pagtulong mo pero kung lalagpas ka sa kapasidad mong tumulong baka makasama pa ang pagtulong mo. Hindi rin kailangang gumawa ng malaking bagay para makatulong, kahit na pagsagip sa isang langgam na nalulunod sa laway pagtulong pa rin ‘yun.
Sa pagtatapos ng konting review na ‘to gusto kong iwan sa inyo ang ilang salita galing sa libro.
Tungkuling mong tumulong sa kapwa dahil may kakayanan ka at gusto mong tumulong. Pero wag mong kalimutan na hindi mo mababago ang mundo at hindi mo maililigtas ang lahat ng tao. Hindi ikaw ang unang nagtangka… hindi ikaw ang magiging huli… hindi ka solusyon. Pero hindi dahilan yon para mawalan ka ng pag-asa at tumigil sa pagbibigay nito. – Mang Ernesto
Tutulong ka lang sa kapwa… hindi mo kailangan ng pangalan – Aling Hasmin
Ikaw handa ka bang maging Kapitan Sino?
Related Post(s)
:bob ong, book, kapitan sino
August 4th, 2009 on 8:47 pm
can i have an Ebook of MacArthur and also the Kapitan Sino?
August 12th, 2009 on 6:56 am
Isang panibagong istilo na naman ang ipinamalas ni kumpareng bob sa nobelang itu… Nanatili padin and marka ni bob ong, kwela.. Simpleng banat na malupit.. lahat tirang pasok,.Nakuha ko naman ung mga punto na gusto nyang tumbukin, May mga bahagi lng na mdjo tipong nsa unknown zone at hindi ko mskyan ang ilang tagpo!!!!
“Hindi kailangan ng maraming tao para mabuo ang mundo, Sapat na ang iisang taong mahal mo, para buuin ang mundong gusto mo habambuhay” ( Hindi to ung exact pero, love the thought) hehehehe… Support Filipino authors. Stop book puracy…
Sa Bestseller available ang kapitan Sino. Robinson’s galleria and SM North Edsa.
October 17th, 2009 on 12:25 am
super ganda..galaing talaga ni bob ong..he never fail on making me laugh and realize so many things tungkol sa buhay at love. ^_^