Bleach
by DarkBlak on May.14, 2007, under anime, personal
lately halos araw araw akong nanonood ng bleach sa DVD, medyo boring kasi yung sa GMA7 eh… di ko gusto yung mga dubber. mas magaling mag dub yung mga datihang dubber ewan ko ba kung bakit puro artista ang kinuha nilang dubber, di naman bagay sa boses ng charcter yung mga kinuha nila. anyway nasa 88th episode na ako so far, yung DVD ko na binigay ni fionixe ay hanggang ep 90 lang. kahapon nagpunta ako ng Cavite at dumaan kina Frinz sa di inaasahang pagkakataon nakahiram ako sa kanya ng episode 91 to 118 at isang movie. bale may total 127 episode so far ang alam kong ep ng Bleach.
update ng smart: so far wala pa akong natatanggap na text mula sa 2727… sana magtuloy tuloy.
Related Post(s)
:anime, bleach
May 16th, 2007 on 8:55 am
ganda yan bleach. ganda na ng bleach kase tapos na yung fillers. si aizen na yung kalaban. try mo din panoodin yung deathnote
wala lang.
May 16th, 2007 on 1:29 pm
ang pangit mag dub ng GMA. pag nanonood man ako, pinagtatawanan ko na lang.
kainis. nadownload ko na un lahat ng eps ng bleach dito sa pc kaso nawala lahat. nireformat kasi. pesteng virus. haha.
buti nasa episode 90 na ako ngayon.
sayang. gwapo pa naman si aizen.
May 17th, 2007 on 1:45 pm
hehehe. kase yung mga dubber eh hindi professional kase sila Marky Cielo as Ichigo ang bosesess. siguro para maiba naman. si Ichigo tuloy parang laging may sipon.
)
May 17th, 2007 on 7:32 pm
sinabi nyo pa… bad trip talaga yung mga taartits na ginawang dubber… ang hahalay ng boses…
si aizen gwapo talaga, sayang na sayang…. yung Soul Society Story Arc mas maganda kesa sa Bounto Story Arc… nasa ep 104 na ako so far… sana mas maganda yung susunod na story arc.
@ram – yup mukhang maganda nga rin yung DeathNote
May 17th, 2007 on 8:45 pm
uu ang galing kase. ang tatalino nila. patalasan ng instinct pare. ang lupet wala ako masabi.
May 18th, 2007 on 12:04 am
humahabol na pala ako sau. hehe. nasa ep101 na ako.
so far hanggang 126 pa lang meron sa torrents. tas sabi sa wikipedia sa may 23 pa release ng ep127 tas sa may 30 ng ep128.
nakakainis yung bount arc. excited na ako sa arrancar arc. makikita ko na ulit si aizen. hihi. ♥
***
maganda talaga ang death note no. hehe. di lang mukhang maganda. hehe.Ü
na-ban pala yung death note sa china kasi parang ginaya ng mga students dun yung whole death note idea. parang tinakot nila yung teacher or something.
May 19th, 2007 on 9:29 pm
@soccerplayer – hanggang ep 118 lang yung hawak kong DVD, hehehe…. bitin na bitin yun… hak hak hak….
kanina lang nakabili kami ni Fionixe ng DeathNote Live Action Movie 1, meron na daw movie 2 pero out of stock na sila….. di pa ko nakakapanood ng kasing ep ng deathnote… pero siguro pagtapos ng Bleach yun naman susunod ko.
May 19th, 2007 on 10:44 pm
share ko lang anitube.blogspot.com jan ako nanonood maganda din kase ang quality mainipin din kase ako eh.
January 27th, 2008 on 12:36 pm
napanood ko din death note. nabasa ko rin na naban yan sa china.sobrang ganda grabe. pero nahurt ako nung namatay si L.nagulat ako. kahit andyan naman si near mas gusto ko parin si L Lawliet.