basang basa sa ulan
Last Updated on Wednesday, 22 April 2009 12:22 Written by DarkBlak Thursday, 31 May 2007 05:54
Tag-ulan na naman. Mahirap pumasok. Mahirap umuwi. Pag-inabutan ka ng ulan sa pagpasok para kang naligo ulit, unless may payong ka at raincoat. Ganun din sa pag-uwi. Unahan sa bus, kahit nakasabit o nakatayo ayos lang ang mahalaga makasakay ka ng bus para makauwi ka na o kaya para hindi ka mahuli sa opisina/school.
Ganyan ang naranasa ko nitong mga nakaraang araw. Kada uuwi ako galing trabaho minamalas namang umuulan. Kinakailangan kong makipag unahan sa ibang pasahero para lang makauwi ng maaga. Lakad, lakad, lakad… di bale ng malayo ang lakarin papunta sa kung saan man ang unahan ng maraming tao para lang makasakay. Pag may dumaan ng bus makikipag-unahan na akong sumakay dahil gusto ko ng umuwi at magpahinga. Grabe, sa tuwing naulan pa naman biglang dumadami ang mga taong naghahangad na makauwi agad. Ang hirap makipagsiksikan sa makipot na pintuan ng bus. Para na rin akong nag gym kapag umuuwi ako ng naulan. Bukod sa basa na ako ng ulan (kahit na may payong ako) ay basa pa ako ng pawis kakalakad at kakasiksik.
Most Commented Posts


ulaaaaaaaaaaaaaaaaaaaan
at sinong di mababaliw sa ulan!
kapg ulan ibig sbhn pasukan uli! hay!
at kapag pasukan mababasa uli!
at kapag nabasa magkakasakit!
At kpag nagkasakit inom ng gamot!
At kapag inom ng gamot, galing uli!
kapag galing uli, paulan uli!
nyahay!
hehe, bahu. ^_^
hahah s pnahon p nmn ngayon BWAL MAGKASAKIT!! hehe
thanks s pagbisita ng blog ko ala wenta.. hahaha ^^
ang pinaka ayoko tuwing tag-ulan ay ang baha.
umuulan dito sa amin ngayon, pero di gaanong malakas. shower lang!
when i was working back there, kahit malapit lang bahay ko sa opis, nahihirapan pa rin akong sumakay. pero hindi pa ako naglakad pauwi na umuulan kasi minsan bumabaha eh.
pero, okay na rin umulan kesa naman laging mainit db?
kahit hindi tayo close
tinag pa rin kita hehehe
see my blog hehe
ang alam kong technique jan, habang umuulan kailagan sumakay ka na…
kasi mas maraming sasakay kapag tumigil na yung ulan…