Peksman Nagsisinungaling si Eros Atalia
Last Updated on Friday, 13 August 2010 10:26 Written by DarkBlak Monday, 28 January 2008 02:30
Last friday nakabili ako ng libro ni Eros Atalia na may pamagat na “Peksman (mamatay ka man) Nagsisinungaling Ako”. Sabi kasi nila atakeng Bob Ong daw ng style ni Eros kaya medyo naintriga ako at naghanap ako ng sarili kong kopya. Nalaman ko rin na si Eros Atalia pala ay batang Cavite City kaya hindi na ako nag dalawang isip na bilhin ang “Peksman (mamatay ka man) Nagsisinungaling Ako” ni Eros Atalia. Tutal magkakababayan naman kami kaya binili ko na nga ang libro nya.
Tinalakay sa libro ang pakikipagsapalaran nya sa paghahanap ng trabaho, ang pakikipag ututang dila nya kay James Bond, kay John Lennon kay Taguro na nagiging boses Sailor moon, ang kakaibang point-of-view nya sa mga sindikato at kung ano ano pang kalokohan.
Gusto ko rin sanang mabasa ang nauna pa nyang naisulat na may pinamagatang “Taguan Pung (Koleksyon ng Mga Dagling Kathang Di Pambata) at Manwal ng Mga Nagpapagal (Kopi Teybol Dedbol Buk).” Panigurado maganda rin ito at hindi nakakahinayang basahin.
Kung taga Cavite City lang si Eros Atalia sana makita ko sya para naman mapapirmahan ko yung nabili kong libro. Gusto ko rin makita si Intoy Syokoy ng kalye Marino, mapapa autograph din ako sa kanya.
Learn MorePuerto Galera Trip
Last Updated on Sunday, 15 June 2008 06:50 Written by DarkBlak Monday, 21 January 2008 02:49
Jan. 17 – 8:30am pag kagaling namin ng office nag almusal muna kami sa Wendy’s habang inaantay si Ricca at Cath, umuwi kasi si Ricca para kumuha ng damit, naiwan kaming anim (Richard, Michael, Derick, Ram, Edster at ako) pagtapos naming mag almusal bumili muna kami ng konting baon sa grocery. bago mag 11:00am dumating na sila Ricca at Cath. 11:00am nakasakay na kami ng Bus papuntang Batangas City Pier. habang nasa bus natulog lang ang iba sa amin. mga bandang 1:00 dumating na kami sa Pier ng Batangas City. at dahil halos lahat sa amin eh first time na magpunta sa Puerto Galera medyo atat na kami kaya bumili na agad kami ng ticket papuntang Sabang dahil yun ang may pinaka maagang byahe papuntang Puerto Galera. Pagdatong namin sa pampang ng Sabang halos lahat ng tao nakatingin sa amin. Kaya pala sila nakatingin kasi nagtataka sila kung anong ginagawa namin dun… pugad pala yun ng mga foreigner na mahilig mag diving at mag aliw sa piling ng mga babae. kaya ayun napilitan kaming umarkila ng jeep para dalhin kami sa White Beach. halos 2:00pm na rin kami dumating ng White Beach. Pagkadating namin dun hanap agad kami ng bahay, tapos kumain ng lunch at tumingin ng konti sa mga souvenir shop kahit hindi pa kami uuwi. At dahil apat sa amin ay galing sa night shift (Wala pa kaming tulog), pagod pa kami sa bahay at sinabayan pa ng ulan nagpasya nalang kaming magpahinga na lang ng maaga.
Learn MoreNaruto Shippuden 42
Last Updated on Sunday, 13 July 2008 07:37 Written by DarkBlak Friday, 18 January 2008 07:16
Watch the latest Naruto Episodes at Anime Video Collection
Learn MoreBulakbol muna
Last Updated on Wednesday, 22 April 2009 12:12 Written by DarkBlak Wednesday, 16 January 2008 07:12
dahil lagi kaming walang magawa sa ofis naisipan naman naming magbulakbol… bukas pupunta kami sa Puerto Galera!!!
ďż˝ konti lang kaming pupunta yung iba kasi hindi makakasama kasi may mga importanteng bagay na dapat unahin. anyway kahit konti lang kami makakapag enjoy parin naman kami eh.
yun nga lang hindi ako marunong lumangoy (kahit na lumaki ako sa tabing dagat), hindi ko rin ma eenjoy masyado yung ibang magagandang activities dun.
pero ok lang kahit hindi ako marunong lumangoy, maraming paraan para makapag enjoy. gusto mo sumama?
Learn MoreHow to reset/remove TrendMicro OfficeScan uninstall password
Last Updated on Wednesday, 22 April 2009 12:10 Written by DarkBlak Tuesday, 8 January 2008 07:39
Edit Ofcscan.ini file.
**On Windows.95/98 machines it is usually in C:WindowsOfcscan.ini
**On Windows.NT/2K machines it is usually in C:WINNTOfcscan.ini (May also be in C:Program Files…)
1) Open the Ofcscan.ini file using notepad search for the [INI_CLIENT_SECTION]
2) Find the line reading Uninstall_Pwd= and type a # at the beginning of the line to comment it out.
3) Insert a new line saying Uninstall_Pwd=70
4) Save the Ofcscan.ini file and retry the uninstall. When it prompts you for a password, enter a ‘1‘.
blanko
Last Updated on Wednesday, 22 April 2009 12:10 Written by DarkBlak Monday, 7 January 2008 09:34
blanko… walang magawa… nakatunganga… walang maisip… naka tingin sa kawalan…
blanko… hindi alam ang gagawin… hindi alam ang ginagawa… hindi alam ang ginawa…
blanko… walang magawa… nakatunganga… walang maisip… naka tingin sa kawalan…
blanko… walang magawa kahit maraming dapat gawin… walang magawa kahit may ginagawa…
blanko… walang maisip… nag-iisip kahit walang maisip… nag-iisip kahit walang iniisip…
blanko… nakatunganga…nakatingin sa kawalan… walang nakikita kahit maraming nakikita…
blanko… hindi alam ang gagawin… hindi alam ang ginagawa… hindi alam ang ginawa…
Learn MoreUpdate on Mini SEO Contest
Last Updated on Wednesday, 22 April 2009 12:10 Written by DarkBlak Tuesday, 1 January 2008 07:59
So far so bad… hehehe… kahit anino ng blog ko hindi ko makita sa rearch result ng google at yahoo… kulelat na ata ako sa Mini SEO Contest ni Marhgil Macuha. Pero ok lang at least sinubukan kong sumali, ay pinilit pala ako ni Jason. Pero next time pag may pagkakataon sasali ulit ako. At sana kahit papano mag improve ako sa mga ganitong contest.
Learn MoreWish List for 2008
Last Updated on Sunday, 15 June 2008 06:53 Written by DarkBlak Sunday, 30 December 2007 06:10
malapit na naman ang bagong taon. malapit ng mag paalam ang 2007 at malapit na ring sumungaw ang 2008. ngayon nalalapit na ang bagong taon maraming tao ang nagkakandarapa para bumili ng mga paputok, yung iba mga mamahalin pang paputok ang binibili, yung iba naman kuntento na sa ilang lata at banyera basta makagawa lang ng ingay ayos na.
habang ang karamihan sa atin ay abala sa pagpapaputok kapag papalapit na ang 12:00mn ang iba naman ay parang may sariling mundo. may mga nanood lang ng mga dvd collection nila, either anime collection o pinay scandal collection. yung iba naman abala lang sa pagluluto ng mga ihahanda sa media noche. masarap atang salubungin ang bagong taon ng busog ka para isang buong taon kang hindi magutom, hehehe. pero meron din namang mga taong walang magawa sa mga ganung oras at panahon. yung mga tipong hindi mapakali sa upuan, palakad lakad, patingin tingin sa orasan na para bang naiinip na sa pagdating ng bagong taon, pasilip silip sa labasan ng bahay para makiusyoso sa mga nagpapaputok.
bago naman sumapit ang bagong taon marami sa atin ang gumagawa ng New Year’s Resolution. Sa dinami dami ng mga gumagawa nito mangilang-ngilan lang sa kanila ang nakakatupad sa ginawa nilang listahan. pero ako tulad ng dati hindi na lang ulit gagawa ng New Year’s Resolution kasi naman hindi ko rin natutupad. Sa halip gagawa na lang akong Wish List ko para sa taong 2008. At ito ay ang mga sumusunod:
Salary increase!!!!!
PSP Slim (kulay black ang gusto ko kahit medyo maraming katulad)
Nintendo ds lite
DV Cam
Bagong fone
I-Phone
PC
At marami pang iba na maituturing na luho kagaya ng mga nauna
alam kong mahihirapan akong makuha isa man lang dun sa mga nakalista sa taas, pero sana lang kahit salary increase eh makuha ko, masaya na ako nun, kasi kapag nagkaganun mapapag iipunan ko rin yung mga luhong gusto ko.
Hanggang sa muli! kita kits tayo next year, mga ilang araw na lang yun mula ngayon. Ingat kayo sa paputok na nakakamamatay at nakakabuhay!
Learn MoreNaruto Shippuden sa ABS-CBN
Last Updated on Friday, 13 August 2010 10:26 Written by DarkBlak Friday, 28 December 2007 10:53
Eto na naman ang ABS-CBN, ipapalabas na nila sa January 7, 2008 (Monday) ang Naruto Shippuden pero bago yun magkakaron daw muna sila ng 12 part special series ng Naruto… hmmmm…. ano kaya yung 12 part special series na yun? Baka yung Naruto Shippuden Movies…. ang dami naman hati yun pra lang sa dalawang movie ng Naruto Shippuden.
Sana lang sa pagkakataong to hindi na mabitin ang mga fans ng naruto. Marami kasing fans ang sabik na sabik ng mapanood ang Naruto Shippuden eh. Sana matapos nila lahat ng episode na napalabas na sa iba pati na rin yung mga susunod pang episode sana maipalabas din nila.
Naruto’s latest episodes inlucding Shippuden will be aired @ ABS-CBN weekdays at 5:30pm starting January 7, 2008.
Watch the latest Naruto Episodes at Anime Video Collection
Naruto Shippuden Episode List
Learn MoreMarhgil Macuha Mini SEO Contest
Last Updated on Wednesday, 22 April 2009 12:12 Written by DarkBlak Monday, 24 December 2007 04:28
May balita akong mamimigay daw si Marhgil Macuha ng $150, pero bago mo makuha yun kailangan mo munang manalo sa Mini SEO Contest nya. Kailangan kong sumali dun kasi ubos na ang sweldo ko ngayong eh, hindi na nga umabot ng christmas at new year. Pero bago naman naubos eh nakabili na ako ng gift para sa mga friendster kong dpat bigyan ng gift, sana bigyan ako ng gift ni Marhgil Macuha, ok na sa akin yung $150 na premyo dun sa Mini SEO Contest nya, hehehe.
Kung sakaling ako ang manalo sa Mini SEO Contest ni Marhgil Macuha bibili ako ng mga Anime DVD, tapos bibili rin ng DVD porn (pamimigay ko lang sa mga tropa, hehehe) tapos treat ko yung officemate kong lalake sa Sly, mahihilig kasi yun sila sa magagandang girl eh. Tapos pag nilabas nila yung mga girl sa Sly gagawa sila ng sly scandal, dapat yung kamukha ng artista ang kunin nila para maganda yung kalabasan, mga tipong Angel Locsin, Francine Prieto, Katrina Halili, Iwa Moto, KC Concepcion, Mariel Rodriguez, Valeri Concepcion, basta mga ganyang mga tipo. Speaking og Anime DVD, masarap sigurong panoorin ulit yung mga anime dati tulad ng Ghost Fighter, Slam Dunk, Yaiba, Sailor Moon, Samurai X saka marami pang iba.
Ano pa bang magagawa o mabibili ko kapag nakuha ko yung premyo sa Mini SEO Contest ni Marhgil Macuha??? Hmmmm…. Mamumudmod na rin siguro ako ng mga hentai dvd dito sa office, hehehe. Siguro bibili na rin ako ng sarili kong domain at hosting, www.cabayao.com parang www.macuha.com ni Marhgil Macuha. tapos pag may sarili na akong domain at hosting gagawa rin ako ng sarili kong SEO blog tulad ni Marhgil Macuha, ilalagay ko dun kung pano ako nanalo sa SEO contest nya, hahahaha.
Hay naku, parang sobra sobra na sa $150 yung mga naisip kong gawin ha. Siguro dapat ko munang isipin kung pano ako mananalo sa Mini SEO Contest ni Marhgil Macuha. Pagdasal mo na lang ako, hehehe.ok
Learn More

Recent Comments