Bata pa lang ako mahilig na akong manood ng telebisyon. Madalas kong panoorin ay cartoons. Pero hindi yung pangkaraniwang cartoons. Wala akong hilig sa cartoons ng Walt Disney, ayoko rin ng Hanna Barbera at yung ibang cartoons ng Warners Bros. Hindi naman sa na kokornihan ako kaya lang masyadong pambata yung dating ng cartoons nila.
Ang hilig ko noon eh yung mga anime na cartoons. Hindi pa sikat ang anime sa ‘Pinas nakakapanood na ako nito. Salamat sa IBC 13, ABC 5, at RPN 9 sila kasi ang mga naunang nagpalabas ng mga anime sa lokal na telebisyon.
Isa sa mga paborito ko dati ay ang “Yuyu Hakusho” o mas kilala sa english title na “Ghost Fighter”. Naalala ko na wala pa sa IBC 13 ang rights ng pagpapalabas ng PBA nasa PTV 4 pa noon ang PBA. Nang mapunta sa IBC 13 ang PBA biglang nagulo ang schedule ng Ghost Fighter, hindi mo na malaman kung anong oras sya magsisimula minsan pa nga hindi na sya napapalabas. Tapos isang araw bigla na lang nawala ang Ghost Figther ng hindi pa natatapos. Nakakalungkot yun kasi lagi mo syang sinusubaybayan tapos biglang mawawala ng hindi pa natatapos, bitin na bitin ako nun. Hanggang isang araw nabalitaan ko na lang na ipapalabas sya sa GMA 7, laking tuwa ko nun dahil muli ko na namang mapapanood ang Ghost Fighter. Pero bago naman tinapos ng GMA 7 ang Ghost Figther eh naka ilang replay sila kaya matagal tagal rin bago ko sya natapos. Umabot ng halos apat na taon bago ko natapos ang Ghost Figther.
Isa rin sa paborito ko dati ay ang Dragon Ball, una ko syang napanood sa RPN 9, kagaya ng Ghost Fighter di rin sya natapos sa RPN 9. Nabalitaan ko na rin lang na nasa GMA 7 sya. Sa GMA 7 na rin natapos ang Dragon Ball, mula Season 1 (Dragon Ball), Season 2 (Dragon Ball Z) at Season 3 (Dragon Ball GT, American Version daw) ay naipalabas ng GMA 7.
Slam Dunk! Sino bang hindi nakakakilala kay Hanamichi Sakuragi? Sa ABC 5 naman sya nagsimula at kagaya ng Ghost Fighter at Dragon Ball, nakuha rin sya ng GMA 7. Hindi ko lang alam kung natapos na ng GMA 7 ang Slam Dunk.
Sa ngayon medyo tumigil na ako sa panood ng Anime sa TV, lagi kasing bitin dahil hindi naman tinatapos. Marami pa akong Anime na gustong matapos tulad ng Yaiba, Battle Ball, Rave Master, Get Backers, Ranma 1/2, Master Cooking Boy, Samurai X, Trigun, Bleach, One Piece at marami pang iba, hehehe, di ko na maisip yung iba.
Dahil sa kagustuhan kong matapos ang mga paborito kong anime, pilit akong naghanap ng pwedeng mapagkuhanan sa internet. Sa ngayon kumpleto ko na ang Get Backers, Trigun at Full Metal Alchemist. Meron na rin akong Ranma (Season 1 hanggang Season 5, OAV’s) at kumpletong OAV ng Samurai X. Meron ding mga Anime DVD’s na binigay sa akin si Fionixe, tulad ng Cowboy Bebop (Complete Series), Cowboy Bebop the Mobie, Bleach (Ep 1 to EP 90), Ilang movie ng One Piece, Death Note Live Action Movie I, at marami pang iba. Kaya lang hindi ko pa napapanood lahat ng Anime na nasa akin ngayon medyo busy kasi ako ngayon sa work ko, gaya nga ng sabi ko dun sa isang post ko, ang taong walang magawa maraming ginagawa ngayon. Ikaw ba naman ang magtrabaho ng 12 hrs/day, huhuhu. Siguro saka ko na lang ako manood kapag medyo maluwag ang oras.
Euri | June 13th, 2007 at 7:36 pm #
Ah.. That reminded me of the very first anime I’ve watched. ^_^;
Makoy | June 14th, 2007 at 9:25 am #
na add na kita. add me na rin sa links mo. tc!
jhamez | June 14th, 2007 at 12:47 pm #
oo nga… sanay pahiramin mo na ako.. promise babalik ko (“_”)”
ramsey | June 14th, 2007 at 2:37 pm #
pare wag mong kakalimutan ang Project ARMS.
paolomendoza | June 14th, 2007 at 4:56 pm #
fave ko samurai x. ok din ghost fighter pero ngayon parang hindi ko na sya gusto. may nakakaalala pa ba ng Zenki?
karlo.Pinoyblogero | June 14th, 2007 at 7:17 pm #
Brother! Halina at ating ipagdiwang ang anime! May malapit na na anime convention! hehee.
jhamez | June 15th, 2007 at 7:44 am #
kelan ang convention…at saan?
alia | June 19th, 2007 at 9:46 pm #
hay, i remember Zenki… one of my first addictions. miss ko yun ah.
DarkBlak | June 20th, 2007 at 4:01 pm #
@Euri – Ano bang unang anime na napanood mo? Astroby? Voltes V? Voltron? Daimos? Scooby Doo? hehehe
@Makoy – na add na rin kita.
@jhamez – 0i!!!! hehehe… paramdam ka naman!
@ramsey – yup, maganda din yun…. medyo nabitin nga ako nun kasi di yun tinapos sa GMA 7…. daya nga eh.
@paolo – Bajula Ong!!! hehhe… Gintong palakol ni Diva!!!
@karlo – talaga? kailan at saan? balita naman dyan…
@alia – wala na kasing masamang binhi kaya wala na rin si Zenki.
jhamez | June 21st, 2007 at 8:16 am #
oo nga… im alive. . .ano na mga contact no. nyo… heheheh
jinmun | July 14th, 2007 at 5:31 pm #
baket nyu kinalimutan si sailor moon (ch.5) and ung super boink.. si colin.. channel 9 ata un or 13.. chaka ung time quest.. ung may lilipad lilipad takure! xD
MalkEvange | August 7th, 2007 at 3:57 am #
Interesting article!
Where can I find more on this theme?
shrewd | September 7th, 2008 at 4:02 pm #
Kilala nyo ba ang ORIGINAL na nagdub kay Alfred?