Blog ng Taong Walang Magawa

tambayologist in action

Ako si Superman!

One fine day… isang araw na halos walang pinagkaiba sa mga nakaraang araw… akala ko lang pala yun… kanina habang papatawid ako sa kanto namin may isang minibus na nakaparad sa harap ko, then pag tingin ko sa kabilang side ng kalye may nakita akong Saulog na bus kaya nagmadali akong tumawid para makasakay na sana akala ko kasi Olongapo. Byaheng Olongapo kasi ang sinasakyan ko kapag papasok ako ng opis, sa Boni pa kasi ako napasok.

Ayun nga sa pagmamadali kung tumawid hindi na ko lumingon sa kaliwa ko kasi nakatigil naman yung minibus eh. Saktong paglampas ko sa minibus nakatingin ako sa kanan ko (sinisipat ko kasi kung Olongapo nga yung byahe ng Saulog) bigla ko na lang naramdaman na parang lumipad ako sa ere at pagkatapos bigla akong bumagsak sa kalye. Pagkabagsak ko parang walang nangyari, bigla akong tumayo at pumunta sa gilid ng kalsada, inaantay ko na lang lumapit sa akin yung Saulog para makasakay na ako, pag lapit ng Saulog byaheng Lawton pala, badtrip nagmadali pa naman ako tapos hindi rin pala ako makakasakay.

Saka ko na lang napuna na nabangga pala ako ng motor, lumapi na kasi sa akin yung driver nung motor at tinanong nya kung ayos lang ba ako. Pinakiramdaman ko muna ang sarili ko saka ko sinabi na ok lang ako. Gasgas sa tuhod at siko lang ang inabot saka bugbog na palad, yun kasi ang pinangsangkalan ko nung bumagsak ako. Pagkatapos naming mag-usap ng driver may dumaan ng Saulog na byaheng Olongapo at sumakay na ako para pumasok. Pagkasakay ko balik sa dati, parang walang nangyari kahit masakin ang tuhod, siko at palad ko. Papasok ulit ako at uuwi….

Related Post(s)

May 9th, 2008 Posted by DarkBlak | ay tanga! | 9 comments

9 Comments »

  1. ay tanga tlga! mag-ingat ka nga huy!

    Comment by rhapsody | May 11, 2008

  2. ayos to si fred oh… wag mo kasi masyado isipin si F :D

    Comment by poell | May 14, 2008

  3. hehehe… no comment ako jan…. nde na F meron na siyang M

    Comment by ramsey | May 15, 2008

  4. taga cavite ka noh? hehehe

    Comment by mia | May 15, 2008

  5. hahahaha!!!! oi ram FYI ibang M ang nasa isip mo! hahahaha!!!!!! hulaan mo kung sinong M ang sinasabi ko! hehehe!!! kasama din natin sya sa outing!!! :)

    @mia - yup taga cavite din po ako :)

    Comment by DarkBlak | May 15, 2008

  6. Fred?DarkBlak?Hey Dude..how are yah??? Where ka na?

    Comment by ronron | May 17, 2008

  7. oi ronron andito lang ako lagi :D hehehe

    Comment by DarkBlak | May 17, 2008

  8. talaga? hahaha… kilala ko ungas! amp! lahat na lang!

    Comment by ramsey | May 19, 2008

  9. amp!!!! hindi yung M na iniisip mo!!! hahahaha… ibang M ang sinasabi ko… hehehe…

    Comment by DarkBlak | May 19, 2008

Leave a comment