[hinango sa script na sinulat ni Kaka Ali -bilang segment producer at co-anchor ng programang "Bantay Bayan Boses ng Sambayanan" sa segment na "Bantay kalikasan". Anchored ni Miss Lenyrose-July 25, 2007 7:00-8:00 umaga]
Isa lang ang ating mundo natin. Oras na masira ang Earth, ang inang kalikasan, saan pa tayo pupulutin? Saan pa tayo titira?
Alam ninyo mga kapatid na nakikinig, ang bahay na nasira ay puwedeng buuin ulit. Ang gusaling gumuho ay puwedeng maitayo. Lahat ng material na bagay sa mundo ay puwedeng palitan ng bago kapag nasira at nawala. Pero ang mismong mundo, nag-iisa lang ito at tanging ang Allah o ang Panginoon lamang ang may kakayahang Lumikha ng katulad nito.
Masaya at galak ang nararamdaman� ko dahil ang mga Civil Society Organization o CSO ay masigasig na sumusulong sa pagsagip sa inang kalikasan.. Tulad ng sinasabi natin, Nakakatuwa na ang mga CSO sa bansa kasama na ang bayan ng� Upi dahil sila ay involved na o � tumututok sa mga isyung may kinalaman sa Mother Earth o sa inang kalikasan.
Dito sa atin, agresibo sila sa pagsusulong sa Mining Act. Isa din � ito sa maigting na kinakampanya ng mga religious group at mga katutubo, upang matigil na ang pagmimina sa bansa na labis na nakakasira ng inang � kalikasan o ng mother earth.
Noon naalarma tayong lahat sa nangyaring trahedya sa St. Bernard, Southern Leyte. Maraming buhay ang nalagas dahil sa natabunan ng lupa ang ating mga kapatid, na ang iba ay hindi na nakita kahit na� bangkay.
Pero ang ating pagkaalarma ay halos kasabay na namatay ng ating pagluluksa sa libu-libong buhay na nawala. Sandali lang at balik na naman tayo sa dating gawi. Ilang panahon� lang na pagtitino at pangangalaga sa kalikasan, tapos ‘back to normal’ na tayo. Hindi mo mabasa sa diyaryo at mapanod sa TV ang mga pag-iingat o pag-iwas sa pagkasira ng kalikasan.
At ang masakit, ang normal sa� atin ay ang walang patumanggang pamumutol ng mga punong kahoy at pagtotroso, ang quarrying, ang pagmimina, ang pag-abuso sa mga tubig at lahat na ng nakakasakit sa ating mundo.
Alam ba ninyo na kahit ang simpleng pagtatapon ng plastik na balat ng kendi ay malaking epekto sa kalikasan? o styrofoam na ginagamit nating kainan sa mga fastfood, lahat ng ito ay mayroong matinding epekto sa ating kalikasan.
Simple lang naman ang hinihingi natin sa inyo mga kababayan at ito’y para naman sa ating sariling kapakanan. Magkaroon lang ng kahit maliit na malasakit sa mundo. Mahalin lang natin ang kalikasan. Sasagipin natin ang isang mundong gagalawan ng mga susunod pang henerasyon…ng ating mga anak, mga apo at darating pang salinlahi.
Maaaring hindi na tayo ang magdusa sa pagkawasak ng mundo. Maaaring nasa kalagitnaan na tayo ng ating buhay pero isipin naman natin ang mga maiiwan nating mga anak, apo at kanilang kaapu-apuhan.
Ang pagtatanim ng halaman sa paligid, ang pangangalaga ng mga batang puno, ang tamang paraan ng pagtatapon ng basura lalo na ang segregasyon ng nabubulok at hindi nabubulok na mga basura, ang hindi pagbabalahura sa mga kalsada at mga pampublikong lugar, lahat ng ito ay madaling gawin kung ating isasapuso ang pangangalaga sa kalikasan. Hindi mahirap kung sasanayin natin ang ating sarili sa ganitong disiplina.
Kaya natin ito basta maging seryoso at determinado lang tayo sa ating pagmamalasakit sa mundo.
Kaya natin kong tayo ay gagalaw at gagawa, last week ang ating mga sundalo at estudyante nagtanim ng mga punong kahoy sa UAS, ipagpatuloy natin, ang mga katulad na programang ganyan.
� INPUTS-DISCUSSED ISSUES:
mia | May 20th, 2008 at 2:41 pm #
mas gusto ko madaming puno sa tabi ng kalsada.. hehehe..
DarkBlak | May 22nd, 2008 at 12:46 pm #
mas maganda nga yung ganun… maganda na sa kapaligiran maganda pa sa paningin natin
Maurice Rivas | November 13th, 2008 at 8:35 am #
kk8arecpxs07yh5k
andrea | January 30th, 2009 at 8:21 pm #
hi… ako pala si…andrea mas gusto ko madaming puno……………………………………………….. hehehehehehehe……………
Anna M | May 27th, 2009 at 5:05 pm #
Hi! Sharing with you an ad of what we can do to save the earth.
http://www.youtube.com/watch?v=8PgN8ODFMQc
Please view and pass it on!
If you like this video, vote at http://www.youtube.com/canneslions (search for LEAD)
ronilyn | January 1st, 2010 at 7:04 pm #
hi,,mas nakabubuti tlaga ang mas maraming mga puno sa tabi ng mga kalsada…ang gandang tingnan
TheNotoriusOnE | February 27th, 2010 at 7:55 pm #
Gawa ka po ng Panunumpa sa pangangalaga sa Kalikasan pls need ko lang..
Morgan Parker | April 26th, 2010 at 5:12 pm #
I always participate in the “Earth Hour”. This event is a symbol that we should be more aware of our environment and that we should focus on protecting mother earth.
marhayamacasasa | August 4th, 2010 at 5:40 pm #
assalamualaykum. yeah so nice.. mashaallah!!
yeah it’s right.. Earth will not be repaire again.so we need or we must to take good care of it for our own good and for the next generation. just a simply proper way of throwing garbage can help to protect our mother Earth…so
please participate and cooperate to protect and to save our mother Earth.