Blog ng Taong Walang Magawa

tambayologist in action

Mahalin ang Inang Kalikasan

[hinango sa script na sinulat ni Kaka Ali -bilang segment producer at co-anchor ng programang "Bantay Bayan Boses ng Sambayanan" sa segment na "Bantay kalikasan". Anchored ni Miss Lenyrose-July 25, 2007 7:00-8:00 umaga]

Isa lang ang ating mundo natin. Oras na masira ang Earth, ang inang kalikasan, saan pa tayo pupulutin? Saan pa tayo titira?

Alam ninyo mga kapatid na nakikinig, ang bahay na nasira ay puwedeng buuin ulit. Ang gusaling gumuho ay puwedeng maitayo. Lahat ng material na bagay sa mundo ay puwedeng palitan ng bago kapag nasira at nawala. Pero ang mismong mundo, nag-iisa lang ito at tanging ang Allah o ang Panginoon lamang ang may kakayahang Lumikha ng katulad nito.

Masaya at galak ang nararamdaman  ko dahil ang mga Civil Society Organization o CSO ay masigasig na sumusulong sa pagsagip sa inang kalikasan.. Tulad ng sinasabi natin, Nakakatuwa na ang mga CSO sa bansa kasama na ang bayan ng  Upi dahil sila ay involved na o  tumututok sa mga isyung may kinalaman sa Mother Earth o sa inang kalikasan.

Dito sa atin, agresibo sila sa pagsusulong sa Mining Act. Isa din  ito sa maigting na kinakampanya ng mga religious group at mga katutubo, upang matigil na ang pagmimina sa bansa na labis na nakakasira ng inang  kalikasan o ng mother earth.

Read more…

May 17th, 2008 Posted by DarkBlak | help save the Earth | 2 comments