Trip to Anawangin Cove and Camara Island
Kakagaling lang namin sa 2 days 1 night trip sa Anawangin Cove sa San Antonio, Zambales. Actually pangalawang punta na namin yun sa Anawangin Cove, nabitin kasi kami nung unang punta namin eh kaya nagpasya kaming bumalik ulit duon. Nung unang punta namin sa Anawanging Cove nag Side Trip kami sa sa Capones Island bago umuwi. Ngayon naman sa Camara Island kami nagpunta. Maganda din naman sa Camara Islang, maalaon nga lang ang beach area. Sabi nga nila pang surfer daw ang Camara Island.
Nung huling nagpunta kami 12 lang kami pero ngayon 18 lahat kami. Di pa kasama sa bilang yung ibang office mate namin na umakyat ng Mt. Pundaquit, bale 16 din sila, nakahiwalay din kasi sila sa camp namin. Definitely mas masaya ngayon ang punta namin kesa dati kasi bukod sa marami na kami mas marami pa yung food namin… nung unang punta kasi namin para kaming pulubi, konti lang yung food na binili namin, hehehe. Tapos medyo nagbago din yung place kasi nadagdagan ng mga cr, then may maliit na tindahan pa ng yelo, soft drinks at alak.
At dahil masaya na naman ang experience namin, malamang lamang bumalik ulit kami sa Anawangin Cove. Gusto mo ba sumama?
Tip lang…. iwasan nyong makipag transakyon kay Aling Jologs. Kung hahanap kayo ng bangka mas mabuting kausapin nyo mismo yung mga bangkero wag na kayong makipag usap sa mga middle-man tulad ni Aling Jologs.
