Breakup and Learn Survey
Last Updated on Sunday, 15 June 2008 06:41 Written by DarkBlak Thursday, 24 April 2008 08:06
“Assumptions are the termites of relationships.”
~ Henry Winkler ~
Learn MoreTrip to Anawangin Cove and Camara Island
Last Updated on Sunday, 15 June 2008 06:43 Written by DarkBlak Monday, 14 April 2008 01:29
Kakagaling lang namin sa 2 days 1 night trip sa Anawangin Cove sa San Antonio, Zambales. Actually pangalawang punta na namin yun sa Anawangin Cove, nabitin kasi kami nung unang punta namin eh kaya nagpasya kaming bumalik ulit duon. Nung unang punta namin sa Anawanging Cove nag Side Trip kami sa sa Capones Island bago umuwi. Ngayon naman sa Camara Island kami nagpunta. Maganda din naman sa Camara Islang, maalaon nga lang ang beach area. Sabi nga nila pang surfer daw ang Camara Island.
Nung huling nagpunta kami 12 lang kami pero ngayon 18 lahat kami. Di pa kasama sa bilang yung ibang office mate namin na umakyat ng Mt. Pundaquit, bale 16 din sila, nakahiwalay din kasi sila sa camp namin. Definitely mas masaya ngayon ang punta namin kesa dati kasi bukod sa marami na kami mas marami pa yung food namin… nung unang punta kasi namin para kaming pulubi, konti lang yung food na binili namin, hehehe. Tapos medyo nagbago din yung place kasi nadagdagan ng mga cr, then may maliit na tindahan pa ng yelo, soft drinks at alak.
At dahil masaya na naman ang experience namin, malamang lamang bumalik ulit kami sa Anawangin Cove. Gusto mo ba sumama?
Tip lang…. iwasan nyong makipag transakyon kay Aling Jologs. Kung hahanap kayo ng bangka mas mabuting kausapin nyo mismo yung mga bangkero wag na kayong makipag usap sa mga middle-man tulad ni Aling Jologs.
Learn MoreKomedya
Last Updated on Tuesday, 8 April 2008 12:19 Written by DarkBlak Monday, 7 April 2008 08:20
Sumali ako sa contest na Project Lafftrip Laffapalooza dahil sinabihan ako ng kapatid ko na sumali dito, hehehe. Anyway para makasali kailangan iboto mo ang mga paborito mong comedy blogs. At eto ang aking boto:
1. Green Pinoy – tunay ngang nakakatawa at nakakatuwa ang blog na ito. Pero alam nyo ba na nakakatawa rin si Jason sa personal? Si Jason lang naman ang tao sa likod ng Green Pinoy.
 2. Rhapsody – Blog ng kapatid ko…. iboto nyo sya.
3. Kwentong Tambay -Matatae ka sa kakulitan dito.
Learn MoreThe New 7 Wonders of Nature
Last Updated on Sunday, 15 June 2008 06:46 Written by DarkBlak Sunday, 6 April 2008 06:59
Panahon na para ipakita sa buong mundo ang kagandahan ng Pilipinas. Kasalukuyan ngayong nagaganap ang pagpili sa bagong pitong Wonders of Nature. At tatlong lugar sa Pilipinas ang maswerteng napasama sa top 77. Magtulungan sana tayong lahat upang mapasama ang tatlong magagandang lugar sa Pilipinas sa top 7. Maari ka pang bumoto hanggang December 31, 2008. Bumoto ka dito -> http://www.new7wonders.com/nature/en/vote_on_nominees/
Learn MoreDestination Anawangin Cove, San Antonio, Zambales
Last Updated on Sunday, 15 June 2008 06:45 Written by DarkBlak Wednesday, 2 April 2008 09:30
Last March 20 & 21, 2008 nagpunta kami sa Anawangin Cove sa Zambales para magpalipas ng Holyweek. Dahil sa ganda ng lugar nagplano kaming bumalik duon kasama na ang ibang ka opisina namin. At sa darating ngang April 12 & 13 (Sat & Sun) muli kaming babalik sa Anawangin Cove para muling i-enjoy ang Baguio meets Boracay na lugar na ito. Gusto mo rin ba sumama? Magkita na lang tayo dun. Hindi mo alam kung pano pumunta? Madali lang….
How to get there:
1. Magpunta sa Victory Liner, Caloocan (mas maaga mas maganda). Bumili ng Ticket papuntang San Antonio, Zambales.
2. Pagdating ng bayan ng San Antonio sumakay naman ng Tricycle papuntang Pundakit/Pundaquit.
3. Pagdating ng Pundaquit/Pundakit mag rent ng bangka papuntang Anawangin Cove.
Please be reminded na walang resort, walang kuryente, walang signal sa Anawangin Cove, kaya kailangang magdala talaga kayo ng tent na matutulugan, mga kagamitan sa pagluluto, pagkain, at tubig.
Update: Nalimutan ko palang isama yung tungkol sa budget.
Victory Liner (Caloocan to Zambales) : 200.oophp
Tricylce (San Antonio to Pundakit) : 20.00php
Boat (Pundaquit to Anawangin Cove) : 1,000.oophp to 1,200.oophp (3 to 4 person, hatid sundo + side trip)
Food: Bahala na kayo…..
Estimated total budget for overnight stay is 2,000.00php per person.
Learn More

Recent Comments