Blog ng Taong Walang Magawa

tambayologist in action

Trip to Anawangin Cove and Capones Island at Zambales

Kakaibang experience ang pagpunta namin sa Anawangin Cove sa Zambales. Isa syang remote island sa Zambales. At dahil isla sya, walang kuryente dun. Wala ring resort duon. Kaya may dala kaming tent nung nagpunta kami dun. Malinis ang beach ng Anawangin, white sand pa. Sarap magpahinga, sarap magrelax, sarap isipin na kahit papano natakasan mo yung mga problema mo kahit saglit lang.

Baguio meets Boracay ang Anawangin, mantakin mo ba namang Pine Tree ang nakatanim sa white sand imbes na mga coconut tree.

Overnight lang kami kaya medyo bitin. Balak naming bumalik ulit kasi maganda talaga duon, hindi pa gaanong matao.

March 24th, 2008 Posted by DarkBlak | Trip to Philippines | 22 comments