Peksman Nagsisinungaling si Eros Atalia
Last friday nakabili ako ng libro ni Eros Atalia na may pamagat na “Peksman (mamatay ka man) Nagsisinungaling Ako”. Sabi kasi nila atakeng Bob Ong daw ng style ni Eros kaya medyo naintriga ako at naghanap ako ng sarili kong kopya. Nalaman ko rin na si Eros Atalia pala ay batang Cavite City kaya hindi na ako nag dalawang isip na bilhin ang “Peksman (mamatay ka man) Nagsisinungaling Ako” ni Eros Atalia. Tutal magkakababayan naman kami kaya binili ko na nga ang libro nya.
Tinalakay sa libro ang pakikipagsapalaran nya sa paghahanap ng trabaho, ang pakikipag ututang dila nya kay James Bond, kay John Lennon kay Taguro na nagiging boses Sailor moon, ang kakaibang point-of-view nya sa mga sindikato at kung ano ano pang kalokohan.
Gusto ko rin sanang mabasa ang nauna pa nyang naisulat na may pinamagatang “Taguan Pung (Koleksyon ng Mga Dagling Kathang Di Pambata) at Manwal ng Mga Nagpapagal (Kopi Teybol Dedbol Buk).” Panigurado maganda rin ito at hindi nakakahinayang basahin.
Kung taga Cavite City lang si Eros Atalia sana makita ko sya para naman mapapirmahan ko yung nabili kong libro. Gusto ko rin makita si Intoy Syokoy ng kalye Marino, mapapa autograph din ako sa kanya.

