Blog ng Taong Walang Magawa

tambayologist in action

Puerto Galera Trip

Jan. 17 - 8:30am pag kagaling namin ng office nag almusal muna kami sa Wendy’s habang inaantay si Ricca at Cath, umuwi kasi si Ricca para kumuha ng damit, naiwan kaming anim (Richard, Michael, Derick, Ram, Edster at ako) pagtapos naming mag almusal bumili muna kami ng konting baon sa grocery. bago mag 11:00am dumating na sila Ricca at Cath. 11:00am nakasakay na kami ng Bus papuntang Batangas City Pier. habang nasa bus natulog lang ang iba sa amin. mga bandang 1:00 dumating na kami sa Pier ng Batangas City. at dahil halos lahat sa amin eh first time na magpunta sa Puerto Galera medyo atat na kami kaya bumili na agad kami ng ticket papuntang Sabang dahil yun ang may pinaka maagang byahe papuntang Puerto Galera. Pagdatong namin sa pampang ng Sabang halos lahat ng tao nakatingin sa amin. Kaya pala sila nakatingin kasi nagtataka sila kung anong ginagawa namin dun… pugad pala yun ng mga foreigner na mahilig mag diving at mag aliw sa piling ng mga babae. kaya ayun napilitan kaming umarkila ng jeep para dalhin kami sa White Beach. halos 2:00pm na rin kami dumating ng White Beach. Pagkadating namin dun hanap agad kami ng bahay, tapos kumain ng lunch at tumingin ng konti sa mga souvenir shop kahit hindi pa kami uuwi. At dahil apat sa amin ay galing sa night shift (Wala pa kaming tulog), pagod pa kami sa bahay at sinabayan pa ng ulan nagpasya nalang kaming magpahinga na lang ng maaga.

Read more…

January 21st, 2008 Posted by DarkBlak | Trip to Philippines | 7 comments