Want to know the Tase of Asia? Want to capture the flavor of Asian style cooking?
Kung ang sagot mo ay isang malaking “OO” ano pang hinihintay mo?! Sumama ka na sa sa magaganap na salu-salo ng mga blogger sa Taste of Asia, SM Mall of Asia sa ikatlo ng Hulyo taong kasalukuyan (July 3, 2007). Oo libre ito. Tama libre nga!!! Ano pang hinihintay mo? Sama ka na!
Kung gusto mo sumama mag iwan ka lang ng comment sa kahit isang blog ng mga sumusunod na coordinator:
Sasha | Rico | Janette | Jedi | Jay | Abe | Ely | Marc
Jayvee | Shari | Noemi | Sexymom | Jonas | Pierre
June 21st, 2007
Posted by
DarkBlak |
events |
5 comments
Akala mo siguro wala akong magawa no? Akala mo lang wala pero meron! Meron! Meron! Meron!
Hehehe… busy lang talaga ngayon ang taong walang magawa 
June 20th, 2007
Posted by
DarkBlak |
personal |
2 comments
lagi akong may sipon kaya naisipan kong isulat ito…. para sayo to, sipong makulit.
sipon na malalagkit
sa mukha’y nakadikit
uhog na makukulit
madalas lumalawit
June 15th, 2007
Posted by
DarkBlak |
kung ano ano |
4 comments
Bata pa lang ako mahilig na akong manood ng telebisyon. Madalas kong panoorin ay cartoons. Pero hindi yung pangkaraniwang cartoons. Wala akong hilig sa cartoons ng Walt Disney, ayoko rin ng Hanna Barbera at yung ibang cartoons ng Warners Bros. Hindi naman sa na kokornihan ako kaya lang masyadong pambata yung dating ng cartoons nila.
Ang hilig ko noon eh yung mga anime na cartoons. Hindi pa sikat ang anime sa ‘Pinas nakakapanood na ako nito. Salamat sa IBC 13, ABC 5, at RPN 9 sila kasi ang mga naunang nagpalabas ng mga anime sa lokal na telebisyon.
Isa sa mga paborito ko dati ay ang “Yuyu Hakusho” o mas kilala sa english title na “Ghost Fighter”. Naalala ko na wala pa sa IBC 13 ang rights ng pagpapalabas ng PBA nasa PTV 4 pa noon ang PBA. Nang mapunta sa IBC 13 ang PBA biglang nagulo ang schedule ng Ghost Fighter, hindi mo na malaman kung anong oras sya magsisimula minsan pa nga hindi na sya napapalabas. Tapos isang araw bigla na lang nawala ang Ghost Figther ng hindi pa natatapos. Nakakalungkot yun kasi lagi mo syang sinusubaybayan tapos biglang mawawala ng hindi pa natatapos, bitin na bitin ako nun. Hanggang isang araw nabalitaan ko na lang na ipapalabas sya sa GMA 7, laking tuwa ko nun dahil muli ko na namang mapapanood ang Ghost Fighter. Pero bago naman tinapos ng GMA 7 ang Ghost Figther eh naka ilang replay sila kaya matagal tagal rin bago ko sya natapos. Umabot ng halos apat na taon bago ko natapos ang Ghost Figther.
Isa rin sa paborito ko dati ay ang Dragon Ball, una ko syang napanood sa RPN 9, kagaya ng Ghost Fighter di rin sya natapos sa RPN 9. Nabalitaan ko na rin lang na nasa GMA 7 sya. Sa GMA 7 na rin natapos ang Dragon Ball, mula Season 1 (Dragon Ball), Season 2 (Dragon Ball Z) at Season 3 (Dragon Ball GT, American Version daw) ay naipalabas ng GMA 7.
Slam Dunk! Sino bang hindi nakakakilala kay Hanamichi Sakuragi? Sa ABC 5 naman sya nagsimula at kagaya ng Ghost Fighter at Dragon Ball, nakuha rin sya ng GMA 7. Hindi ko lang alam kung natapos na ng GMA 7 ang Slam Dunk.
Sa ngayon medyo tumigil na ako sa panood ng Anime sa TV, lagi kasing bitin dahil hindi naman tinatapos. Marami pa akong Anime na gustong matapos tulad ng Yaiba, Battle Ball, Rave Master, Get Backers, Ranma 1/2, Master Cooking Boy, Samurai X, Trigun, Bleach, One Piece at marami pang iba, hehehe, di ko na maisip yung iba.
Dahil sa kagustuhan kong matapos ang mga paborito kong anime, pilit akong naghanap ng pwedeng mapagkuhanan sa internet. Sa ngayon kumpleto ko na ang Get Backers, Trigun at Full Metal Alchemist. Meron na rin akong Ranma (Season 1 hanggang Season 5, OAV’s) at kumpletong OAV ng Samurai X. Meron ding mga Anime DVD’s na binigay sa akin si Fionixe, tulad ng Cowboy Bebop (Complete Series), Cowboy Bebop the Mobie, Bleach (Ep 1 to EP 90), Ilang movie ng One Piece, Death Note Live Action Movie I, at marami pang iba. Kaya lang hindi ko pa napapanood lahat ng Anime na nasa akin ngayon medyo busy kasi ako ngayon sa work ko, gaya nga ng sabi ko dun sa isang post ko, ang taong walang magawa maraming ginagawa ngayon. Ikaw ba naman ang magtrabaho ng 12 hrs/day, huhuhu. Siguro saka ko na lang ako manood kapag medyo maluwag ang oras.
June 13th, 2007
Posted by
DarkBlak |
anime, personal |
12 comments
Ang taong walang magawa maraming ngayong ginagawa. busy ako ngayon sa work. 12 hrs/day ang work ko. kaya madalas pagod. medyo masaya na din kasi 4 days/week lang ang pasok. kaya pag walang pasok meet aagd si fionixe, hehehe, bihira na rin kasi kaming magkita dahil saliwa ang sched namin. tapos after nun pahinga na lang yung natitirang araw, sa bahay lang naglalato ng tong-its. kalaro ko ang aking tatay at nanay. maliitan lang naman ang laro namin, palipas lang din kasi ng oras. pano hanggang dito na lang muna, magpapahinga muna ako. sa lahat ng nadalaw sa aking munting blog, salamat po ng marami.
June 6th, 2007
Posted by
DarkBlak |
personal |
no comments