First Day Work
Last Updated on Wednesday, 22 April 2009 12:27 Written by DarkBlak Monday, 21 May 2007 09:31
nakakapagod ang unang araw ko sa trabaho…. nakakapagod kasi traffic papunta tapos traffic pa rin pauwi. wala naman kaming ginawa ngayon kasi nasa training palang kami. mukhang masaya naman yung work ko di ko lang alam kung makakapag net ako sa work, hehehe. medyo kainis lang kasi kailangan naka business attire kami. dapat long sleeves di pwedeng short sleeves. eh di ko pa naman trip mag polo lalo na kung long sleeves, wala nga akong long sleeves kahit isa eh, hehehe. ayun nung uwian dumaan muna ako ng Landmark at napabili ng polo ng wala sa oras. kakapagod lang talaga yung byahe papunta at pauwi dahil sa mga trapik na walang katuturan. punuan pa naman mga bus kaya wala akong magawa kundi magtiis ng nakatayo. pero ok lang yun ang importante may trabaho na ako kahit na minsan para akong aattend ng js prom, at kailangan ko ng prom tips. ciao!!!
Learn Moretrabaho, work, job
Last Updated on Sunday, 20 May 2007 04:35 Written by DarkBlak Sunday, 20 May 2007 04:17
sa wakas pagkatapos kong mag-antay ng lampas isang buwan, matapos kong maranasan na ma interview mismo sa bahay naman (para sa background investigation), matapos kong magpabalik balik sa agency na inaplyan ko, natapos na rin ang kalbaryo ko, hehehe. may trabaho na ako. sa lunes magsisimula na ako. yun nga lang 3 months lang yung kontrata. project basis lang kasi. hopefully pag natapos na yung contract meron pa uling kasunod, yung mas stable na work.
Smart Update: Sa wakas wala na ring nagpapadala ng text sa akin galing sa 2727.
Learn More2727 Update
Last Updated on Wednesday, 22 April 2009 12:27 Written by DarkBlak Saturday, 19 May 2007 04:17
sa kasamaang palad wala pa ring nangyayari sa reklamo ko sa smart. nung huling tawag ko (May 16, 2007) halos sigawan ko na yung kausap kong CSR ng Smart sa telepono. Puro na lang kasi gagawan ng report tapos wala namang ginagawang aksyon. nakakainis na. yung mga CSR ng Smart puro report lang ang kayang gawin. lagi na lang nakaasa sa report ng Support Group nila na mabagal kumilos. ngayon mag-aantay na naman ako ng 72hrs bago ko malaman kung may matatanggap pa ba aong text o wala galing sa 2727. Sa Sabado (May 19, 2007) tapos na yung palugit na 72hrs, sana naman ok na yung complain ko sa kanila. kung hindi pa rin ayos, baka masigawan ko na talaga yung mga CSR ng Smart. at kung magpapatuloy ito mukhang hindi lang hair transplant ang gagawin ko kundi pati New Jersey facelift dahil sa sobrang inis nadedeform na ang mukha ko.
Learn MoreYo! Joe!!
Last Updated on Sunday, 15 June 2008 09:23 Written by DarkBlak Friday, 18 May 2007 04:15
bukas sasamahan ko si fionixe sa makati, may aayusin kasi syang importante. tapos pupunta kami sa Power Books, titignan namin yung bagong book ni Bob Ong, nalimutan ko yung title eh. kung kakayanin baka bumili na rin kami ng isang kopya, maghihiraman na lang kami, hehehe. after nun punta kami ng ViraMall sa Greenhills para tumingin ng mga old school na laruan tulad ng G.I. Joe, transformer at kung ano-ano pa. may clearance sale daw eh, baka may mura, yung tipong piso lang isa, bibili agad ako ng marami, harhar.
Bleach
Last Updated on Sunday, 15 June 2008 09:23 Written by DarkBlak Monday, 14 May 2007 02:20
lately halos araw araw akong nanonood ng bleach sa DVD, medyo boring kasi yung sa GMA7 eh… di ko gusto yung mga dubber. mas magaling mag dub yung mga datihang dubber ewan ko ba kung bakit puro artista ang kinuha nilang dubber, di naman bagay sa boses ng charcter yung mga kinuha nila. anyway nasa 88th episode na ako so far, yung DVD ko na binigay ni fionixe ay hanggang ep 90 lang. kahapon nagpunta ako ng Cavite at dumaan kina Frinz sa di inaasahang pagkakataon nakahiram ako sa kanya ng episode 91 to 118 at isang movie. bale may total 127 episode so far ang alam kong ep ng Bleach.
update ng smart: so far wala pa akong natatanggap na text mula sa 2727… sana magtuloy tuloy.
Learn More2727 Job Alert (Resulta)
Last Updated on Sunday, 15 June 2008 09:24 Written by DarkBlak Saturday, 12 May 2007 02:06
after kong sundin ang ipinag-uutos ng Smart Agent eh kampante na akong nakatulog nung kinagabihan. paggising ko ng umaga masaya akong bumangon dahil alam kong di mababawasan ng 2.50 ang load ko. pero pagdating ng mga bandang 11:00am nagutla na lang ako ng muli akong makarecieve ng txt msg galing sa 2727….
badtrip ako syempre…. kaya ang ginawa ko ng check uli ako kung ano-ano ang mga nakasubscribe kong services, and to my surprise nakita kong naka subscribe pa rin ako sa MPC CLUB kahit na nag issue na ako ng STO ALL na command sa 2727. ang ginawa ko nag padala na lang ako ng “MPC CLUB OFF” message sa 2727 para ma-unscribe na ako sa bwisit na MPC CLUB na yun. tapos nagulat na naman ako ng mabawasan na naman ang load ko ng 2.50 kaya minarapat kong muling tumawag sa customer service ng Smart at ireklamo ang pangit na serbisyo nila… ayun pagkatapos ng ilang palitan ng mga tanong at sagot pinayuhan ako ng Agent na mag-antay ng 72 hours para daw ma un-subscribe ako sa service na yun. sa ngayon patuloy akong nakaka recieve ng msg sa MPC CLUB wala akong magawa kundi mag-antay na lang ng 3 days…. mukhang makakalbo ako sa mga kalokohang ito, kaasar… pagnagkaganon kakailanganin ko ng New York hair transplants para lang bumalik sa normal ang buhok ko. hopefully by monday wala na akong ma receive. sana nga…
Learn More2727 Job Alert (Update)
Last Updated on Sunday, 15 June 2008 09:24 Written by DarkBlak Friday, 11 May 2007 09:23
kakaasar talaga malaki na yung load na nawawala sa akin dahil sa text ng 2727…. last wed (may 9, 2007) tumawag na ako sa smart, adivised sa akin yun ni fionixe… ayun after kong tumawag binigyan ako ng instruction, ipadala ko daw ang “CHECK” sa 2727. pag nag reply malalaman ko daw kung saan saan ako naka subscribe. edi ginawa ko agad nakareceive naman ako agad ng reply galing sa 2727 at nalaman ko na nakasubscribe ako MPC CLUB, hindi ko alam kung pano ako nakapag subscribe eh ni hindi ko nga alam kung ano yun eh…. anyway dun sa reply nakalagay kung pano ma off yung subscription dun sa MPC CLUB tapos sa dulo ng message pwede daw ako mag send ng “STOP ALL” sa 2727 para ma unscribe ako sa lahat ng services ng 2727… edi yun ang ginawa ko… tapos naka tangap ako ng reply na naka unscribe na nga daw ako at hindi na ulit makakareceive ng text galing 2727. bukas na yung resulta
Bogsa
Last Updated on Wednesday, 22 April 2009 12:28 Written by DarkBlak Tuesday, 8 May 2007 02:25
Ngayon ko lang napuna sabog pala ang blog ko kapag IE ang gamit. Buti na lang binanggit sa akin ni Fionixe kanina lang. Ayusin ko na lang yung theme pag wala akong magawa or baka magdownload na lang ako ng bago pag wala akong magawa. Pang FireFox muna ang theme ko sa ngayon
2727 Job Alert
Last Updated on Sunday, 15 June 2008 09:29 Written by DarkBlak Monday, 7 May 2007 08:58
hay naku… after magkaproblema sa hosting may problema naman ako ngayon sa fone ko. alam kong wala akong trabaho ngayon pero wala naman akong maalala na nag pinag sign-upan ng Job Alert sa para i padala thru text. Araw-araw na lang nakakarecieve ako ng sms job alert galing sa 2727, wala namang nakalagay kung pano i turn off yung buwisit na alert na yun, asar talaga. Ok lang sanang makarecieve ng job alert lalo na sa mga tulad kong walang trabaho, kaya lang pano ka ba namang di maiinis bukod sa hindi na yung ang work na gusto mo eh babawasan ka pa ng Php2.50 kada text nila. Kaasar talaga….
Learn MoreAko ang kalaban!
Last Updated on Sunday, 6 May 2007 04:54 Written by DarkBlak Sunday, 6 May 2007 04:18
Your results:
You are Magneto
|
You fear the persecution of those that are different or underprivileged so much that you are willing to fight and hurt others for your cause.
|
Click here to take the Super Villain Personality Test



Recent Comments