basang basa sa ulan
Tag-ulan na naman. Mahirap pumasok. Mahirap umuwi. Pag-inabutan ka ng ulan sa pagpasok para kang naligo ulit, unless may payong ka at raincoat. Ganun din sa pag-uwi. Unahan sa bus, kahit nakasabit o nakatayo ayos lang ang mahalaga makasakay ka ng bus para makauwi ka na o kaya para hindi ka mahuli sa opisina/school.
Ganyan ang naranasa ko nitong mga nakaraang araw. Kada uuwi ako galing trabaho minamalas namang umuulan. Kinakailangan kong makipag unahan sa ibang pasahero para lang makauwi ng maaga. Lakad, lakad, lakad… di bale ng malayo ang lakarin papunta sa kung saan man ang unahan ng maraming tao para lang makasakay. Pag may dumaan ng bus makikipag-unahan na akong sumakay dahil gusto ko ng umuwi at magpahinga. Grabe, sa tuwing naulan pa naman biglang dumadami ang mga taong naghahangad na makauwi agad. Ang hirap makipagsiksikan sa makipot na pintuan ng bus. Para na rin akong nag gym kapag umuuwi ako ng naulan. Bukod sa basa na ako ng ulan (kahit na may payong ako) ay basa pa ako ng pawis kakalakad at kakasiksik.

