Blog ng Taong Walang Magawa

tambayologist in action

papayat o tataba?

sa haba ng oras ng trabaho ko at haba ng oras sa byahe lagi akong pagod sa araw-araw. kung laging ganito malamang papayat ako. yahu!!!!!!!!!!!!!!!! sana nga, hehehe… kaya lang baka may pang gabi na kami antukin ako lagi, edi idadaan ko na lang yun sa kain, malamang di ako papayat pag ganun baka lalo akong tumaba. patay na! malaman kakailanganin ko ang tulong ng makabagong syensya… I’ll definately try tumescent liposuction ! If I get enough money, that is.  ‘Guess it’s a new technique.  I’m quite curious of how it works and how many people it had helped.  At kung medyo nagtataka ka rin kung pano ito gumagana, halika at i-click din ang link upang malaman natin.

May 28th, 2007 Posted by DarkBlak | personal, work | one comment

trip to Alabang

ngayong nagtatrabaho na ako bihira na akong makapunta ng Alabang. Bihira ko na masusundo o mahahatid si Fionixe. Kakamiss din yun. Kakamiss makita yung mga bukiring nadadaanan namin sa Daang Hari, yung mga nag gagandahang bahay sa mga naglalakihang subdibisyon, yung Police Station sa Daang Hari na mukhang bahay at kung ano ano pa. Kung sa Zapote naman kami dadaan nakakamiss dun yung trapik na wala na atang katapusan, yung pag-aantay ng pasahero ni mamang driver na kahit ata abutin ng isang taon sa pag-aantay ay di aalis hanggat di puno ang kanyang jeepney. syempre yung mga usok ng tambutso ng mga walang kwentang jeep eh hindi nakakamiss. Isa pang namimiss ko sa eh yung mga nadadaanan naming mga car dealers. ang daming car dealers duon, merong Ford, Honda, Mazda, Isuzu, Toyota, may nakalimutan pa ba ako? nakakatuwa kasing pagmasdan yung mga magagarang sasakyan nila, kaya maaliw ka rin sa byahe kahit papano. at least kahit sa tingin nakita ko yung mga magagandang sasakyan. kaya lang bakit kaya walang Rolls Royce dealer sa Alabang? Baka balang araw maging car capital ng Pinas ang Alabang kasi halos lahat ng car dealer nandun na eh, heheheh :)

May 28th, 2007 Posted by DarkBlak | personal | 2 comments