hmmm….. hirap kumita ng pera ngayon. ang mahal ng bilihin, mahal ang pamasahe, mahal ang gasolina, mahal ko si Fionixe, hehehe. anyway, ano kaya magandang negosyo ngayon? buti pa si Ram at Pong may biznez. hmmmm ulit… eh kung mag real estate kaya ako? pero hindi ako dito sa Pinas magbebenta, kunwari sa San Diego, hehehe. kasi sabi may right time daw para magbenta ng real estate sa San Diego sabi ni George Lindemann Jr. mahirap siguro magbenta kung nasa ibang bansa, dito na lang ako sa Pinas. kaya lang ano bang magandang biznez dito? Cart biznez? yung mga tipong Shawarma, Kikiam, Fish Ball, Squid Ball, etc., etc… o kaya tulad ng kina Ram? mahirap naman yun kung walang regular na pumapasok na income. Computer Shop? dami ng nagkalat sa tabi-tabi, tapos mahal pa ng license ng software, pag pirata naman binili mo susumbong ka ng kalaban mong shop. hirap mag biznez. magtatrabaho na lang muna ako. pagnakaipon saka ko na lang isipin ulit ang mag negosyo.
May 27th, 2007
Posted by
DarkBlak |
kung ano ano, personal |
no comments
noon madalas wala akong magawa dito sa bahay kaya lagi kong napagbabalingan ang aming telebisyon. umaga, tanghali, hapon, gabi. basta wala magawa haharap na lang ako sa telebisyon kahit wala namang magandang palabas, magtyatyaga kahit na anong palabas. Minsan naman nakikinood na lang ako kung anong pinapanood dito sa amin yun na din ang pinapanood ko, kaya kung minsan kahit corning telenovela napapanood ko. madalas pa nga nasusubaybayan ko yun gabi gabi, kahit corny sige nood lang may magawa lang. hehehe. dami ko ngang napapanood na corny eh… hehehe. isa na dito eh bakekang na parang kailangan ng Beverly Hills cosmetic surgery, yung iba nalimutan ko na yung title, kadalasan yung mga nasa ch2 yung korni eh, puro kasi drama yung pinapalabas nila. yung huling huling sinusubaybayan ko eh Jumong, medyo ok naman yung istorya kaya siguro bibili na lang ako ng pirated DVD para mapanood ko di ko na kasi naabutan pag nauwi ako sa gabi eh.
May 27th, 2007
Posted by
DarkBlak |
kung ano ano, reklamo |
no comments