Blog ng Taong Walang Magawa

tambayologist in action

lunch break

kada lunch break iba iba yung nakakainan namin. may canteen naman sa building namin kaya lang di pa kami nakakakain dun kahit isang beses man lang, lagi kasing puno eh kaya ayun. nung first day nakikain kami sa canteen ng ibang building, hehehe. tapos nung second day sa resto ni pareng Ronald (McDo) naman kami kumain. nung third day at fourth dumayo pa kami sa food court ng Landmark para kumain, napaso pa yung dila ko sa sobrang init nung kanin, hanggang ngayon ramdam ko pa yung sakit ng napasong dila. nung pang fifth day namin balik kami sa resto ni pareng Ronald pero nag take-out nalang kami kasi medyo late na rin yun eh, may inayos pa kasi kami nung 12:00pm kaya ayun halos 1:00pm na rin kaya nag take-out na lang kami, dun na lang kami kumain sa table namin habang nagtatrabaho. mukhang masipag pa diba? hehehe. sa susunod kaya saan naman kami kakain? sa mga resto kaya sa New York? How about restaurants in San Diego or in Paris? hehehe…. sosi…. hakahak…. libre lang naman mangarap eh!

May 26th, 2007 Posted by DarkBlak | personal, work | one comment

Mac Arthur

Bob Ong's Red BookLast time nabili namin yung bagong book ni Bob Ong na Mac Arthur sa Power Books Makati. Medyo dramedy ang atake ngayon ni Bob Ong dito sa kanyang red book. tungkol ito sa istorya ng apat na magkakaibigan na napagkaitan ng magandang kapalaran at patuloy na pinaglalaruan ng pagkakataon. tinalakay din dito kung pano sila nag struggle sa bulok nilang buhay kung pano silang patuloy na nakipaglaban sa masalimuot na buhay at kung panong lumubog ang iba sa kanila dahil nagpaubayang kainin ng maling sistema.

Kung sa mga unang libro ni Bob Ong nasasalamin natin ang ating sarili dito naman sa Red Book nasasalamin ang tunay na mukha ng Pilipinas, ang kahirapan.

Kung lugmok ka na talaga sa mga bagay na nakasanayan mo mahirap talaga magbago ng mabilisan. Kailangan talagang maging seryoso kung magbabago tayo, kung minsan pa kailangan pang makaranas tayo ng matinding trahedya para lang magsilbing taga pag paalala sa atin na mayh oras pa tayong magbago at hindi pa huli ang lahat.

Kung kaya lang siguro ng New Jersey plastic surgery nabaguhin pati ang buhay natin masaya sana. Pero hindi kaya ng plastic surgery baguhin ang buhay at pagkatao natin hanggang pisikal lang ang kaya nitong baguhin. Ikaw, kailan ka mag aa “I shall return” sa matinong buhay?

May 26th, 2007 Posted by DarkBlak | books, hobbies | 11 comments