Blog ng Taong Walang Magawa

tambayologist in action

bloopers…

grabe…. second day ko sa work, maaga ako dumating sa makati. 7am palang nasa Makati na ako pero 9am pa yung start ng training namin. ang ginawa ko pumasok muna ako sa mcdo kasi medyo nalamigan ata yung sikmura ko kaya bumili ako ng 2pcs. hotcake na may kasamang hot choko. medyo antok antok pa ako nung time na yun kaya di ko namalayan na suka pala yung nadampot ko instead of hotcake syrup… badtrip talaga :D pagsalin ko nagulat ko nagtuloy tuloy yung suka sa hotcake ko, hehehe. buti napigilan ko agad yung pagsalin… grabe :D kumuha ako agad ng syrup at tinadtaran ko ng syrup yung hotcake ko pero kahit anong dami ng ilagay kong syrup nalalasahan ko pa rin yung suka, hehehe. first time ko makakain ng sweet and sour hotcake :)

May 23rd, 2007 Posted by DarkBlak | ay tanga! | 9 comments