Blog ng Taong Walang Magawa

tambayologist in action

First Day Work

nakakapagod ang unang araw ko sa trabaho…. nakakapagod kasi traffic papunta tapos traffic pa rin pauwi. wala naman kaming ginawa ngayon kasi nasa training palang kami. mukhang masaya naman yung work ko di ko lang alam kung makakapag net ako sa work, hehehe. medyo kainis lang kasi kailangan naka business attire kami. dapat long sleeves di pwedeng short sleeves. eh di ko pa naman trip mag polo lalo na kung long sleeves, wala nga akong long sleeves kahit isa eh, hehehe. ayun nung uwian dumaan muna ako ng Landmark at napabili ng polo ng wala sa oras. kakapagod lang talaga yung byahe papunta at pauwi dahil sa mga trapik na walang katuturan. punuan pa naman mga bus kaya wala akong magawa kundi magtiis ng nakatayo. pero ok lang yun ang importante may trabaho na ako kahit na minsan para akong aattend ng js prom, at kailangan ko ng prom tips. ciao!!!

May 21st, 2007 Posted by DarkBlak | work | 5 comments