Yo! Joe!!
bukas sasamahan ko si fionixe sa makati, may aayusin kasi syang importante. tapos pupunta kami sa Power Books, titignan namin yung bagong book ni Bob Ong, nalimutan ko yung title eh. kung kakayanin baka bumili na rin kami ng isang kopya, maghihiraman na lang kami, hehehe. after nun punta kami ng ViraMall sa Greenhills para tumingin ng mga old school na laruan tulad ng G.I. Joe, transformer at kung ano-ano pa. may clearance sale daw eh, baka may mura, yung tipong piso lang isa, bibili agad ako ng marami, harhar.

