Blog ng Taong Walang Magawa

tambayologist in action

2727 Job Alert (Resulta)

after kong sundin ang ipinag-uutos ng Smart Agent eh kampante na akong nakatulog nung kinagabihan. paggising ko ng umaga masaya akong bumangon dahil alam kong di mababawasan ng 2.50 ang load ko. pero pagdating ng mga bandang 11:00am nagutla na lang ako ng muli akong makarecieve ng txt msg galing sa 2727….

badtrip ako syempre…. kaya ang ginawa ko ng check uli ako kung ano-ano ang mga nakasubscribe kong services, and to my surprise nakita kong naka subscribe pa rin ako sa MPC CLUB kahit na nag issue na ako ng STO ALL na command sa 2727. ang ginawa ko nag padala na lang ako ng “MPC CLUB OFF” message sa 2727 para ma-unscribe na ako sa bwisit na MPC CLUB na yun. tapos nagulat na naman ako ng mabawasan na naman ang load ko ng 2.50 kaya minarapat kong muling tumawag sa customer service ng Smart at ireklamo ang pangit na serbisyo nila… ayun pagkatapos ng ilang palitan ng mga tanong at sagot pinayuhan ako ng Agent na mag-antay ng 72 hours para daw ma un-subscribe ako sa service na yun. sa ngayon patuloy akong nakaka recieve ng msg sa MPC CLUB wala akong magawa kundi mag-antay na lang ng 3 days…. mukhang makakalbo ako sa mga kalokohang ito, kaasar… pagnagkaganon kakailanganin ko ng New York hair transplants para lang bumalik sa normal ang buhok ko. hopefully by monday wala na akong ma receive. sana nga…

May 12th, 2007 Posted by DarkBlak | reklamo | 4 comments